December 30, 2025

Home SHOWBIZ

Magpapasko na wala pa ring nakukulong!—DJ Chacha

Magpapasko na wala pa ring nakukulong!—DJ Chacha
Photo Courtesy: DJ Chacha (FB)

May pahabol na hirit si DJ Chacha bago sumapit ang Pasko hinggil sa talamak na korupsiyon sa gobyerno. 

Sa isang Facebook post ni Chacha noong Martes, Disyembre 23, ibinahagi niya ang selfie niya habang suot ang kaparehong suit ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co nang maglabas ng video statements ang huli.

“Wearing the ‘25% Kickback’ starter pack. Perfect for looking humble lang kahit may 100-Billion insertions,” saad ni Chacha. “Magpapasko na, wala pa ring nakukulong. Yung flood control budget na kinupit nila ang pang-handa ng magarbong Noche Buena.”

Ayon sa kaniya, hustisya at pananagutan ang gusto niyang matanggap na regalo ngayong taon.

‘Barbie arms na siya!’ Netizens, napansin numinipis na katawan ni Awra!

“Justice and Accountability is the only gift we want this year,” aniya.

Matatandaang Nobyembre pa nang magsimulang arestuhin ang unang walong indibidwal na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Maki-Balita: Dizon sa pagkaaresto ng 8 sangkot sa maanomalyang flood control projects: 'Umpisa pa lang ito!'

Ngunit ayon sa ilang organisador na nagkasa ng malawakang kilos-protesta noong Nobyembre 30, hindi umano ito sapat.

"Ang gusto nating makita ay 'yong matataas na opisyal ang makasuhan," saad ni Tindig Pilipinas co-convenor Kiko Dee.