January 09, 2026

Home BALITA National

'Iwasan mga paputok, doon tayo sa mga torotot!'—PBBM

'Iwasan mga paputok, doon tayo sa mga torotot!'—PBBM
Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)/via MB

Nagbigay ng paalala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na umiwas sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaligtasan ng bawat pamilya.

Sa kaniyang pinakabagong vlog, hinimok ng Pangulo ang mamamayan na mag-ingat at talikuran na ang nakasanayang pagpapaputok tuwing bisperas ng Bagong Taon. Ayon kay Marcos, mas mainam na piliin ang mga ligtas at masayang paraan ng pagdiriwang.

“Mag-ingat sa mga paputok. Iwasan na natin ’yan. Doon tayo sa mga torotot at iba pang maingay na mga laruan para kompleto at masaya ang pagsalubong natin sa darating na Bagong Taon,” ani ng Pangulo.

Dagdag pa ng Pangulo, mas mahalaga ang ligtas at payapang pagdiriwang kasama ang pamilya kaysa sa panandaliang kasiyahang dulot ng mapanganib na paputok.

National

Triple jackpot! 3 lotto bettors panalo sa Super Lotto 6/49, Lotto 6/42

Samantala, sa nabanggit na vlog, sinagot nila ni First Lady Liza Araneta Marcos ang ilang mga katanungan patungkol sa pagdiriwang ng Pasko.

Dito rin, direktang nagtanong sila sa tatlong anak na lalaki na sina Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro, Joseph Simon, at William Vincent Marcos kung kailan ba sila magkakaapo mula sa kanila.

"Kami naman magtatanong, ang lagi naming tinatanong sa mga anak namin, 'yong tatlong anak kong lalaki, ba't wala pa kaming apo?" ani PBBM.

"Tama 'yan Honey, sana all! 'Yan 'yong Christmas wish ko," singit naman ni FL Liza.

"Wala kayong mabola no?" natatawang sundot pa ni PBBM sa mga anak.

Kaugnay na Balita: 'Wala kayong mabola no?' PBBM, FL Liza nangalampag sa 3 boys, bet nang magkaapo

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang tatlong anak ng First Couple sa urirat ng mga magulang sa kanila.