Pinasinungalingan ng Department of Education (DepEd) na mawawala na ang Grade 11 at 12 sa taong pampaaralan 2026-2027.
Kaugnay ito sa kumakalat na post sa ibaât ibang platform na nagsasabing bubuwagin na raw ang nasabing programa.
Sa ibinahaging social media post ng DepEd Philippines noong Martes, Disyembre 23, mababasa na nagpaalala sila na maging mas mapanuri sa mga ganitong uri ng impormasyon.
âKa-DepEd, walang katotohanan ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano'y pagtanggal ng Grade 11 at 12 para sa School Year 2026-2027,â panimula ng DepEd.
Saad pa nila, âMuling pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa online. Huwag i-follow ang mga page na nagbabahagi ng maling impormasyon at agad i-report ang mga ito.â
Photo courtesy: DepEd Philippines/FB
Dahil sa nabuksang diskusyon kaugnay sa K-12, hindi napigilan ng publiko na magkomento ukol dito.
âMas lalong kailangan natin ng Grades 11 and 12, dahil ang daming mabilis maniwala sa mga fake news katulad nyanâ
âMakikita mo sa comment at reaction na marami pa ring hindi aware kung bakit mahalaga ang K-12. Lalo na sa mga magulang at kabataanâ
âKaya nag Karoon ng K12 na ipinisa sa batas para makasabay tau sa mga foreign school kac kung grade 10 lang hinde d sapat yonâ
âHindi naman daw mawawala ang 11and 12 coming this year 2026 Pero mababawasan daw ang subject for senior high school. Kasi nag iba ng curriculum.â
âI remove lang na oyyy para ma college nako then maka restâ
âKalidad na edukasyon kasi ang kailangan hindi dagdag na taon. Yung pondo para sa edukasyon wag nyo kasing ninanakawâ
Sa huli, nag-abiso na lamang ang ahensya na sa mga opisyal na pahina lamang ng kagawaran sumangguni kung may nais alaming impormasyon hinggil sa basic education.
Vincent Gutierrez/BALITA