January 06, 2026

Home BALITA National

'Wala kayong mabola no?' PBBM, FL Liza nangalampag sa 3 boys, bet nang magkaapo

'Wala kayong mabola no?' PBBM, FL Liza nangalampag sa 3 boys, bet nang magkaapo
Photo courtesy: PBBM website

Tila may panawagan sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa mga anak nilang sina Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro, Joseph Simon, at William Vincent Marcos kung kailan ba sila magkakaapo mula sa kanila.

Sa inilabas na "BBM Vlog 275," sinagot ng First Couple ang ilang mga tanong tungkol sa Kapaskuhan. Pero napatanong naman sila sa tatlong anak nila sa kalagitnaan.

"Kami naman magtatanong, ang lagi naming tinatanong sa mga anak namin, 'yong tatlong anak kong lalaki, ba't wala pa kaming apo?" ani PBBM.

"Tama 'yan Honey, sana all! 'Yan 'yong Christmas wish ko," singit naman ni FL Liza.

National

'Flood control projects budget sa 2026, mas 'specific' sa foreign assisted projects!'—DBM Sec. Toledo

"Wala kayong mabola no?" natatawang sundot pa ni PBBM sa mga anak.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang tatlong anak ng First Couple sa urirat ng mga magulang sa kanila.

Inirerekomendang balita