December 24, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Utol ni Pokwang, ginalit ng amang nakakariton; 2 beses binangga?

Utol ni Pokwang, ginalit ng amang nakakariton; 2 beses binangga?
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Naglatag ng other side of story si showbiz insider Ogie Diaz kaugnay sa viral video ng kapatid ni Kapuso comedienne Pokwang na si Carlo Subong.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinabi ni Ogie na ginalit umano ng amang nakakariton si Carlo kaya umabot sa puntong binatukan niya ito.

Aniya, “Dapat mayro’ng CCTV do’n, e, kasi parang makita nila. [...] Una, nabangga na siya. Pinagbigyan daw n’ong kapatid ni Pokwang. So, sige na. Quits na. So, naghiwalay na sila. Binagga pa ulit.”

“Kaya nagalit na ‘yong kapatid ni Pokwang. Lumabas na. Kaya nasapok. Na-provoke. Pero siyempre, lagi naman nating katwiran dito, hindi katwiran ‘yon para manakit ka. Pwede mong ireklamo ‘yong nakabanggaan mo, e,” dugtong pa ni Ogie.

Tsika at Intriga

Miss Cosmo, bumwelta kay Ahtisa matapos tawaging pinakachakang pageant experience

Matatandaang nagsalita na rin kamakailan si Pokwang hinggil sa isyung ito ng kapatid niya. Nagpaabot siya ng paumanhin sa naapektuhan ng pangyayari lalo sa anak ng nakakaritong lalaki.

Sabi niya, “Ako po ay humihingi ng dispensa do’n po sa kaniyang nakaalitan. Lalong-lalo na po do’n sa anak na babae. Pasensya ka na, iha.”

Maki-Balita: Pokwang, inaming utol ang nanapak sa amang nagkakariton

Sa kasalukuyan, kinumpiska na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ni Carlo bilang parusa sa ginawa nito.

Maki-Balita: LTO, kinumpiska lisensya ng utol ni Pokwang na nambatok ng magkakariton