Nagbigay ng reaksiyon si Sen. Robin Padilla sa kasalukuyang estado ng usapin sa maanomalyang flood control projects.
Sa latest Facebook post ni Padilla nitong Martes, Disyembre 23, sinabi niyang nalalayo na umano ang pinapatunguhan ng usapin tungkol sa “multo” at “giba-gibang” proyekto.
Aniya, “Palayo na nang palayo ang usapan sa mga multo at giba-gibang flood control. Matindi ang panliligaw ng mga taong nag iisip at nagsasagawa nito.”
“Unbelievable. Wala kayong mga takot sa Dios!” dugtong pa ni Padilla.
Matatandaang nagulantang kamakailan ang publiko sa pagpanaw ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral matapos mahulog sa bangin.
Maki-Balita: Dating DPWH Usec. Cabral, pumanaw matapos mahulog umano sa bangin
Kabilang si Cabral sa listahan ng mga opisyal ng DPWH na pinakakasuhan bago matapos ang taon dahil sa pagkakasangkot umano nito sa maanomalyang flood control projects.
Maki-Balita: Romualdez, 86 iba pa inirekomendang kasuhan bago matapos ang taon—Sec. Dizon