Binalikan ni dating senador Sonny Trillans IV ang naging pagbasa ni Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop sa findings ng quad-com kaugnay sa sindikatong pinatakbo umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa latest Facebook post ni Trillanes nitong Martes, Disyembre 23, mapapanood ang video clip ng pagbasa ni Acop mula sa House of Representatives.
“Cong. Acop's reading of the Quadcom findings, which detailed how Duterte led a criminal enterprise including monopolizing the illegal drug trade, will be forever etched in our country's history,” saad ni Trillanes.
Dagdag pa niya, “Maraming salamat, Sir Romy!”
Matatandaang nagsilbi si Acop bilang senior vice chairperson ng quad-comm noong 19th Congress na nag-imbestiga sa giyera kontra droga at iba pang isyung kinasangkutan ng nakaraang administrasyon.
Pumanaw ang kongresista noong gabi ng Disyembre 20 matapos umanong matagpuang walang malay sa kaniyang kwarto.
Maki-Balita: Romeo Acop, pumanaw na; natagpuang walang malay sa kuwarto