Inanunsyo ng Philippine Heart Center (PHC) na handa raw sila sa posibilidad ng pagtaas ng kaso ng atake sa puso ngayong papalapit na ang pagsapit ng holiday season.
Sa ibinahaging social media post ng Department of Health (Philippines) noong Lunes, Disyembre 22, nakasaad na tinututukan din daw ng ahensya ang pagtugon nito sa posibleng mga kaso ng stroke, acute coronary syndrome, at bronchial asthma.
Mababasa rin na inilahad ng PHC na sila ay pormal nang ginawaran ng isang Platinum status, patunay ng kanilang kakayahang magbahagi ng mabilis na tugon para sa mga pasyente ng stroke.
Bukas din daw sila sa mga mabibiktima ng paputok, road cash, at iba pa para sa papalapit ding selebrasyon ng Bagong Taon.
Sa hiwalay namang social media post noon ding Lunes, Disyembre 22, sinabi ng DOH na nagpaalala si Sec. Ted Herbosa hinggil sa umano’y “bad habits” na maaaring makapagdala ng “health risks” sa isang tao, sa isinagawang “Hospital Preparedness Rounds” ng ahensya kaugnay sa “DOH’s Ligtas Christmas 2025 campaign.”
“Beyond ensuring hospital emergency preparedness and surge capacity during the holiday season, Secretary Herbosa also reminded the public to avoid common holiday bad habits that pose risks to health and safety. These include the excessive consumption of the ‘4Ms’: matamis (sweet), maalat (salty), mataba (fatty), and mamantika (oily) food, which can trigger hypertension, diabetes, and heart disease, especially during the festivities,” saad ng DOH.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga kadalasang handang pagkain tuwing holiday season na ‘health risk’-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA