Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi raw nila puwedeng pagtaguan ang kanilang mga inaanak.
Sa ibinahaging video ni PBBM nitong Martes, Disyembre 23, mapapanood na sinabi ng Pangulo na madali raw silang hanapin, at mahaba umano ang listahan ng kanilang mga inaanak.
“E kami, hindi namin puwedeng pagtaguan dahil madali kaming hanapin, kaya’t kumpleto ang listahan namin doon sa aming mga inaanak, at marami-rami din,” saad ni PBBM.
Dagdag pa niya “Ngayon, ‘yong iba siguro, ‘pag hindi n’yo talaga nakikita na, o ‘di na kayo nag-uusap, ‘pag may app, puwede n’yo nang i-Gcash ‘yong mga regalo ninyo. Ngayon, mas madali na.”
Kaugnay sa usapin ng pamasko at aguinaldo, hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong Lunes, Disyembre 22 ang publiko na mag-”e-aguinaldo” na lang.
"The BSP also encourages the public to use digital or e-money as cash gifts to their godchildren, family, and friends. Using e-wallets and online banking offers a safer and more convenient way to send cash gifts during the Christmas season,” saad ng BSP.
MAKI-BALITA: QR code na lang? Pamimigay ng ‘aguinaldo’ idaan na lang sa e-wallets, online banking—BSP-Balita
Matatandaang sinabi rin ng Palasyo kamakailan na hindi magpapahinga ang Pangulo sa gitna ng holiday season upang busisiiin ang national budget ng bansa para sa 2026.
“Opo, kailangang pag-aralan po. Sa Pangulo po, ‘di po kailangan magkaroon ng Christmas break—kailangan po talagang aralin ito at pipilitin na mapirmahan po ito bago magtapos ng taon,” saad ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro sa kaniyang press briefing.
MAKI-BALITA: PBBM, hindi mag-Christmas break para aralin ang national budget sa 2026-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA