Nilinaw sa publiko ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na hindi raw nakaapekto sa autopsy result ng labi ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral ang naunang pag-embalsamo rito.
Ayon sa isinagawang press briefing ng National Police Commission (NAPOLCOM) nitong Martes, Disyembre 23, ipinaliwanag ni Remulla na wala raw epekto ang naging embalsamo kay Cabral dahil wala naman umanong kaugnayan sa droga ang pagkamatay nito.
“Hindi naman. Kasi the cause of death was not drug related,” aniya.
Dagdag pa niya, “It was caused by a fall and no embalming process can change the evidence present.”
Samantala, hindi na sinagot ni Remulla ang naging tanong sa kaniya tungkol sa kung may kaalaman ba raw ito sa kabuuang yaman ni Cabral at mas maganda raw na kunin ang impormasyong ito sa kaniyang kapatid na si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.
“I think it’s better for the Ombudsman to answer that. Siya kasi ang may direct access to the file,” pagtatapos niya.
Matatandaang kinumpirma na rin noon ni Remulla na katawan mismo ni Cabral ang nahulog sa Kennon Road sa Benguet noong Disyembre 18, 2025.
MAKI-BALITA: SILG Remulla, kinumpirmang si Cabral bangkay na natagpuan sa Tuba, Benguet
“Gusto ko lang ipaalam sa lahat na confirmed na si former Usec. Cabral ang nakitang labi doon sa ilalim ng bangin sa Tuba, Benguet,” saad ni Remulla noong Disyembre 20, 2025.
Dagdag pa niya, ““Isinagawa na ang isang autopsy at DNA swab at unofficially ‘yong DNA swab ay lumabas na siya talaga ‘yon. Plus the fingerprints, plus the identification of the family.”
MAKI-BALITA: Ex-DPWH Usec. Cabral, pumanaw na
MAKI-BALITA: VP Sara, binisita sa BJMP si Arnie Teves, 'di si Ramil Madriaga—SILG Remulla
Mc Vincent Mirabuna/Balita