December 30, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Nale-late talaga!’ John Lapus, nagsalita na sa pagiging late ni Esnyr

‘Nale-late talaga!’ John Lapus, nagsalita na sa pagiging late ni Esnyr
Photo Courtesy: John Lapus, Esnyr (IG)

Binasag na ng komedyanteng si John Lapus ang pananahimik niya kaugnay sa isyu ng “Call Me Mother” co-star niyang si Esnyr Ranollo.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Lunes, Disyembre 22, kinumpirma niyang totoong nale-late si Esnyr sa set ng naturang pelikula.

“Nale-late talaga ‘yong bata, kasi nagga-Grab pa siya — although mali pa rin iyon. But hindi naman siya umabot na nagiging cause of delay ng shoot because you have to understand, si Vice ay nanggagaling pa sa Showtime,” saad ni John.

Dagdag pa niya, "So in fairness naman kay Esnyr, hindi naman siya mas late pa kay Vice. Iyon talaga, magre-react na ako. At saka iyong nagalit daw ako? Hindi ko pinatulan at all."

Tsika at Intriga

'Hallu, Hallu sa kulungan!' Anne Jakrajutatip himas-rehas nang 2 taon, anyare?

Bukod dito, totoo rin umano ang tsikang nagdadala si Esnyr ng jowa sa set.

"Oo, mayro’n siya,” sabi ni John. “In fairness naman, hindi lang niya basta boyfriend — parang P.A. [production assistant] niya.”

“Ina-assist-ahan siya. And wah ako care sa ganoon! Sa tagal ko na sa industriyang ito, hindi na ako pumapatol sa ganyan,” dugtong pa ng komedyante.

Kaya naman giit ni John, hindi raw siya tootong galit kay Esnyr. In fact, magkasama pa nga silang dalawa sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Star noong Disyembre 19.

Matatandaang pumutok ang isyu nina John at Esnyr matapos itong pag-usapan sa “Ogie Diaz Showbiz Updates” kamakailan.

Maki-Balita: Esnyr, laging late sa set ng ‘Call Me Mother’; nagdadala pa ng jowa?