January 04, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Malayo pa pero malayo na!’ Content Creator Arshie Larga, tribute sa magulang natapos niyang 4-storey building

‘Malayo pa pero malayo na!’ Content Creator Arshie Larga, tribute sa magulang natapos niyang 4-storey building
Photo courtesy: arshiethromycin (IG)

Masayang ipinagpasalamat ng content creator at pharmacist na si Arshie Larga sa kaniyang mga magulang at fans ang milestone at “biggest investment” niyang four-storey building kamakailan. 

“‘From ‘bahala na’ to ‘thank you, Lord—tapos na,’” saad ni Arshie sa social media niya. 

Ibinahagi rin niya na matagal nang pangarap ng mga magulang niya na magtayo ang four storey-building, ngunit dahil sa kakulangan sa budget, lagi raw nauudlot ang construction. 

“Nagsimula lang ‘to sa usapan namin ng parents ko about turning our current structure into a four-storey building. Matagal na nila itong pangarap, pero laging nauudlot dahil sa budget. Ayaw rin nilang umutang sa bangko,” ani Arshie. 

Tsika at Intriga

Walang pa-anything, kukubra na lang? VIVA Films, binakbakan dahil kay Vice Ganda

Mula sa savings niya, nasimulan ang construction noong Enero 2025, at bukod pa rito, malaking tulong na civil engineer ang tatay niya, na naging hands-on sa requirements at mga dokumento na kinailangan sa construction.

Sa kasagsagan din daw ng paggawa ng building, locked-in ang mga magulang niya sa site habang siya naman ay humahanap ng mga paraan para mapondohan pa ang proyekto nila. 

“Blessed enough ako na may savings, kaya nitong January 2025, sinimulan namin ang construction. Malaking tulong na civil engineer ang tatay ko, kaya hands-on siya sa papers, requirements, at buong construction. Hindi naging madali ang journey—locked-in ang parents ko sa site habang ako naman ang gumagawa ng paraan para ma-fund ang project,” pagbabalik-tanaw ni Arshie. 

Kaya ang milestone na ito ay naging tribute niya sa mga magulang sa kanilang pagbubuhos ng oras, panahon, atensyon, at mga pagsasakripisyo. 

Sumunod ay sa brands na nagtiwala sa kaniya at nagbigay ng mga proyekto sa kaniya, at siyempre, sa fans na hindi siya iniwan at patuloy na sumuporta sa contents niya sa social media, mula sa pharmacy, travel, at lifestyle. 

“To be honest, this project—aside from being an investment—is my way of repaying my parents for all their hard work and for helping fulfill their long-time dream. Love you, Nanay and Tatay. Thank you po, Lord. ,” pagpapasalamat ni Arshie. 

Bukod sa content creation, si Arshie ay isa ring licensed pharmacist na nakilala sa TikTok at X dahil sa kaniyang explainer contents tungkol sa mga gamot na maiintindihan ng mga Pinoy sa simpleng paraan. 

Taong 2023, si Arshie ay kinilala bilang TikTok Creator of the Year Award, at noon namang 2024, napasama siya Forbes 30 Under 30 Asia–Class of 2024 List.

Sean Antonio/BALITA