Kinontra ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang paniniwala ni beauty queen-actress Herlene Budol sa kapasidad nitong mag-isip.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Disyembre 22, inihayag ni Herlene kung gaano kahirap maging bobo.
“Ang hirap maging bobo, e. Sobrang hirap ng wala kang alam. Pero lahat naman ng bagay napag-aaralan. So kulang lang ako sa experience,” saad ni Herlene.
Pero sabi ni Boy, “Hindi ako naniniwalang bobo ka. Maabilidad, matalino. Iba-iba lang ang articulation ng ating mga pananaw. “
“I don’t buy into the idea that you have to speak English very well to be intelligent,” dugtong pa niya.
Sundot naman ni Herlene, “Ako, Tito Boy, wala akong pakialam kung anong gusto nilang itawag sa akin. Basta ako, marunong akong dumiskarte sa buhay at hindi ko gugutumin ang pamilya ko.”
Matatandaang minsan nang ipinangalandakan ng beauty queen-actress ang kabobohan niya sa eksklusibong panayam sa kaniya ni showbiz insider Ogie Diaz noong Hunyo 2024.
“Para sa akin, Mama Ogs, ang pagiging bobo ‘yong pagiging willing mong matuto halos araw-araw. At marami pa po akong hindi alam pagdating sa pageantry,” ani Herlene.
Maki-Balita: ‘Proud bobo here!’ Herlene, magpapatalino muna bago sumabak ulit sa pageant