December 30, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Lahat tayo pinagpapawisan!’ Zack Tabudlo, sumagot na sa intriga tungkol sa ‘amoy’ niya

‘Lahat tayo pinagpapawisan!’ Zack Tabudlo, sumagot na sa intriga tungkol sa ‘amoy’ niya
Photo Courtesy: Screenshots from Zack Tabudlo, UST Tiger Radyo (TikTok)

Nagbigay na ng pahayag si singer-songwriter Zack Tabudlo matapos intrigahin ang amoy niya habang nagtatanghal sa ginanap na UST Paskuhan 2025.

Sa latest TikTok post ni Zack noong Lunes, Disyembre 23, tinalakay niya sa sa isang 4-minute video ang mga natanggap niyang negatibong komento sa ilang taon niya sa industriya, mula sa pisikal niyang anyo hanggang sa kaniyang amoy.

Aniya, “I'm painted in social media as this smelly, ugly kid, who has an attitude, who is always late, who doesn't dress well, who is fat, ugly, and can't sing.”

Ayon sa singer-songwriter, tila naging nakakatakot na lugar na umano ang social media para sa mga gustong maghayag ng kanilang sarili at talento.

Tsika at Intriga

'Hallu, Hallu sa kulungan!' Anne Jakrajutatip himas-rehas nang 2 taon, anyare?

"Because with one comment that blows up, you're now a pain in the ass to this person," dugtong pa ni Zack.

Kaya naman gusto niyang magbigay ng awareness sa lahat sa pamamagitan ng kaniyang platform.

"We're all human at the end of the day,” saad ni Zack. “Lahat tayo tumatae, lahat tayo pinagpapawisan, lahat tayo nagkakamali sa buhay. Being nice isn't hardest to do. Be nice, guys.”

Matatandaang sa video clip na ibinahagi ng UST Tiger Radio kamakailan, mapapanood si Zack na lumapit sa crowd na nasa barikada habang tagaktak ang pawis sa suot niyang gray shirt na naging dahilan para gawan ng isyu ang amoy niya.

Maki-Balita: Maasim daw? Zack Tabudlo, inintriga amoy sa UST Paskuhan 2025