December 23, 2025

Home OPINYON Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Si ‘Emmanuel,’ ang Hari na ipinanganak sa sabsaban para mapalapit sa atin

#KaFaithTalks: Si ‘Emmanuel,’ ang Hari na ipinanganak sa sabsaban para mapalapit sa atin
Photo courtesy: Unsplash

Taon-taon, nakagawian na ng mga Pinoy makinig sa istorya ng kapanganakan ni Hesus tuwing araw ng Pasko. 

Kasama na sa  kultura at tradisyon sa bansa ang mapakinggan ang Christmas story na ito. 

Gayunpaman, hindi lang naman parte ng kasaysayan, kultura, at tradisyon si Hesus, Siya ay totoong Diyos na nagkatawang-tao para mas mapalapit sa atin. 

“Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel (ang kahulugan nito'y ‘Kasama natin ang Diyos’).” - Mateo 1:3

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Nasaan ang puso mo ngayong Pasko?

Bakit ang kilalang "Kings of Kings" at "Lord of Lords" ay ipinanganak lamang sa isang sabsaban?

Dahil layon Niya ang magsilbi at hindi pagsilbihan (Mateo 20:28) sa kabila ng kaluwalhatian Niyang taglay. 

Kaya kung sa tingin mo masyado ka nang malayo at nasa pinakamadilim na kabanata ng buhay mo, tandaan mo na nakikita ka ng Panginoon at malapit lang Siya sa’yo.

Walang mahirap abutin para sa Kaniya, sabi nga sa mga Mga Awit 139: 1-4, iniisip pa lang natin, alam na agad Niya–kilala tayo ng Panginoon, mula sa ugali, kilos, at pag-iisip, hanggang sa bilang ng mga buhok natin, dahil Siya ang gumawa sa atin (Luke 12:7). 

Huwag kang mangamba, hindi pa huli ang lahat para lumapit sa Kaniya, at walang “wrong timing” para muling bumalik, kahit anong araw o pagkakataon, puwede kang lumapit. 

Ngayong Pasko at sa nalalapit na pagtatapos ng 2025, tandaan mo na may kasama at kasangga ka sa buhay, dahil ipinanganak ang Emmanuel para sa pagbabagong buhay mo. 

Sean Antonio/BALITA