January 06, 2026

Home SHOWBIZ

'Just the three of us!' Melai, hiniritan mga ‘marites’ na hinahanap asawang si Jason

'Just the three of us!' Melai, hiniritan mga ‘marites’ na hinahanap asawang si Jason
Photo courtesy: Melai Cantiveros - Francisco/FB


Kuwelang hirit ang binitiwan ng host at komedyanang si Melai Cantiveros - Francisco matapos ibahagi ang larawan niya kasama ang dalawang anak.

Sa social media post na ibinahagi ni Melai noong Lunes, Disyembre 22, tinawag niya ang atensyon ng mga umano’y marites na maghahanap kung bakit wala ang asawa niyang si Jason Francisco sa litrato.

“Just the three of us,” panimula ni Melai sa kaiyang post.

Hirit pa niya, “Oh hahanapin nyu nanaman si Jason tapos pag di ako magreact imamarites nyu ang posts ko.”

Sinabi rin ni Melai na kapag daw Pasko at “no show” pa rin ang asawa, tiyak na ime-message ng mga marites ang mga kapwa nito, hanggang sa makasama na ang kaniyang pamilya sa “holiday break” ng mga ito.

“hanggang christmas kapag No Show padn si Jason, imemesage nyu na kapwa nyu marites di sila magkasama mag asawa, away yan, oh dba alam kona, dahil lng yun sa post ko and caption ko na just the three us, kasama na kmi sa holiday break nyu, pero xmpre gustu nyu lang nmn malaman nasaan si Jason, well well well abangan ang next picture,” aniya.

“Ps merun namang iba na walang pakialam infareness,” pagtatapos ni Melai.

Photo courtesy: mrandmrsfrancisco/IG

Sa hiwalay namang social media post ni Melai noon ding Lunes, Disyembre 22, makikitang kasama na ang asawa niyang si Jason sa mga litrato.

“Kumpleto na ang main characters sa Christmas…xmpre ang tulugan ng mga maincharacters sa probinsya ay sa sala…#Melasonfamily #AprilGirls #salaniLola #ThankyouLord…See you pohon bukas sa Tacurong FitMart Tacurong kami family ang makakabonding nyu… See you all,” saad ni Melai sa caption.

Tsika at Intriga

'I don’t have to explain myself to anyone!' BINI Jhoanna, nag-repost sa kabila ng dating rumor kay Skusta Clee

Photo courtesy: mrandmrsfrancisco/IG

Pinusuan ng netizens ang mga naging post ng komedyana, at may mga pagbati rin para sa kaniyang pamilya, kaugnay sa papalapit na pagsapit ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Vincent Gutierrez/BALITA

Inirerekomendang balita