January 06, 2026

Home SHOWBIZ

'It was between me and Côte d'Ivoire!' Ahtisa, humopia na makuha korona sa Miss U

'It was between me and Côte d'Ivoire!' Ahtisa, humopia na makuha korona sa Miss U
Photo Courtesy: Ahtisa Manalo, Olivia Yace (IG)

Aminado si Miss Philippines 2025 Ahtisa Manalo na umaasa siyang mapapsakaniya ang korona sa Miss Universe.

Sa latest episode ng vlog ni Unkabogable Star Vice Ganda kamakailan, sinabi ni Ahtisa na akala niya si Miss Côte d'Ivoire Olivia Yacé ang magiging mahigpit niyang katunggali.

Aniya, "I was hoping that I would win, I thought it was between me and Côte d'Ivoire during that night because I was able to hear everyone's answers."

“When you're there, when you're competing, you focus on yourself, you don't focus on other people pero 'pag Q&A na siyempre wala ka na magagawa dun so makikinig ka na lang, so I thought it was between me and  Côte d'Ivoire,” dugtong pa niya.

Jake Zyrus, kamukha raw ng erpat niya?

Matatandaang nakuha ng Mexico ang unang pwesto sa prestihiyosong kompetisyon, second runner-up ang Venezuela, third runner-up ang Pilipinas, at fourth runner-up aman ang Cote d’ Ivoire.

Maki-Balita: 'Di nasungkit ang korona!' Pilipinas, 3rd runner-up sa Miss Universe 2025

Gayunman, inulan pa rin ng suporta at pagmamahal si Ahtisa sa kabila ng resulta ng pageant. Samantala, kaliwa’t kanang intriga naman ang ibinato kay Miss Mexico Fatima Bosch na hindi umano karapat-dapat sa korona.

Sa katunayan, tinawag pa ngang “fake winner” si Fatima ng Lebanese-French musician na si Omar Harfouch.

Si Omar ay nakatakda sanang maging hurado para sa Miss Universe 2025 ngunit nagbitiw dalawang araw bago ito ikasa.

Maki-Balita: ‘Alam na agad sino panalo?’ Resigned MU 2025 judge, binansagang ‘fake winner’ si Miss Mexico