January 04, 2026

Home BALITA

'Isipin nating kapiling natin ang Diyos!' Cardinal Tagle, may mensahe sa kapwa OFWs ngayong Pasko

'Isipin nating kapiling natin ang Diyos!' Cardinal Tagle, may mensahe sa kapwa OFWs ngayong Pasko
Photo courtesy: CBCP News/FB


Nagbigay ng isang mensahe si Pro-Prefect, Dicastery for Evangelization Cardinal Luis Antonio Tagle para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nalalapit na selebrasyon ng Kapaskuhan.

“Para po sa ating mga kababayan at kasama kong OFWs na nasa ibang bansa, tayo po ay pinadala ng Diyos hindi lamang para magtrabaho para sa kapakanan ng ating pamilya. Palagay ko, pinadala rin tayo sa iba-ibang bansa para maging mga saksi sa ating pananampalataya. So, migrante misyonaryo na rin,” saad ni Cardinal Tagle sa isang video na ibinahagi ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) noong Lunes, Disyembre 22.

Dagdag pa niya, “Sana po, ito ang maging lakas natin ‘pag may mga nangyayari, isipin nating kapiling natin ang Diyos—at siya ang nagdala sa atin diyan[...] Merry Christmas po sa inyo at sa inyong mga mahal sa buhay.”

Matatandaang nagbahagi rin ng kaniyang mensahe kamakailan si Pope Leo XIV, kaugnay sa nalalapit na pagsapit ng holiday season. Aniya, ang kapayapaan daw ay isang regalong galing mula sa puso lamang.

“Before the holy night of #Christmas, find one person with whom to make peace. This will be a more precious gift than any that can be bought, because peace is a gift found only in the heart,” saad ng santo papa sa kaniyang social media post.

MAKI-BALITA: Pope Leo XIV sa paparating na Pasko: 'Find one person with whom to make peace'-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA