December 30, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hindi nagpansinan? Kathryn at Daniel nagkrus ulit mga landas, pero kasama si Kaila!

Hindi nagpansinan? Kathryn at Daniel nagkrus ulit mga landas, pero kasama si Kaila!
Photo courtesy: Screenshots from @elmaaa_10, @kathnielcrumbs (TikTok) via PEP

Usap-usapan at muling nambulabog sa social media ang muling pagtatagpo ng ex-reel at real couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, o KathNiel, sa ginanap na church wedding ng mga kaibigan nilang sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Batay sa ulat ng PEP, nagkita umano ang dalawa nitong Martes, Disyembre 23, Martes, batay sa mga kumalat na videos online, na ishinare ng fans at supporters ng KathNiel.

Sa isang kuha pa nga raw, makikitang magkalapit ang ex-couple sa loob ng simbahan; nasa gawing likuran lamang ni Daniel si Kathryn. Gayunman, ang atensyon daw ng dalawa ay nasa mag-asawang muling ikinasal, habang pumapalakpak ang mga bisita.

Video courtesy: @elmaaa_10/TikTok

Tsika at Intriga

'Hallu, Hallu sa kulungan!' Anne Jakrajutatip himas-rehas nang 2 taon, anyare?

Si Kathryn ay mag-isang dumating sa simbahan, base sa hiwalay na video na kumalat din online.

Video courtesy: @kathnielcrumbs/TikTok

Ayon sa mga netizen, hindi malinaw kung nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na magbatian o mag-usap man lang, dahilan para lalong uminit ang espekulasyon kung tuluyan na nga bang putol ang komunikasyon ng dating magka-loveteam.

Samantala, mas napansin naman daw ng marami ang presensiya ni Kaila Estrada, rumored girlfriend ni Daniel, na kasama niya sa nabanggit na okasyon.

Nahagip daw sa camera ang dalawa na sabay na lumabas ng simbahan at sumakay sa iisang sasakyan patungo sa reception. Sa mismong handaan, namataan din umano ang dalawa na magkaangkla ang mga braso habang naglalakad, isang eksenang para sa marami ay tila kumpirmasyon ng namumuong romantic relationship sa pagitan nilang dalawa.

Matatandaang kamakailan lang ay namataan din ang dalawa habang nanonood ng concert ng IV of Spades, na lalong nagpasiklab sa tsismis tungkol sa kanilang relasyon.

Kaugnay na Balita: Umakbay pa nga! Kaila, Daniel magkasamang nanood ng concert?

Hindi lingid sa publiko na dating magkakaibigan sina Kathryn, Daniel, Ria, at iba pang miyembro ng tinaguriang Nguya Squad, kabilang sina Joshua Garcia, Sofia Andres, at Alora Sasam. Kalaunan ay nakasama rin sa kanilang barkadahan sina Zanjoe Marudo at Hyubs Azarcon.

Ngunit nagbago ang lahat nang tuluyang maghiwalay ang KathNiel noong Nobyembre 2023, na talaga namang tila naging "national issue" at sumabay pa sa paggunita sa kamatayan ni Supremo Andres Bonifacio (Bonifacio Day).

Kaugnay na Balita: Kathryn, Daniel, hiwalay na

Si Kathryn ay na-link naman kay Lucena Mayor Mark Alcala, subalit hanggang ngayon, wala pa ring kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa kung ano na ba talaga ang real score nila.

Kaugnay na Balita: ‘Parang soft launch na ito!’ Mayor Mark Alcala, huli sa video ni Kathryn Bernardo?