December 23, 2025

Home BALITA National

DPWH isinuko mga computer, 10 taon na record ng opisina ni ex-Usec. Cabral sa Ombudsman

DPWH isinuko mga computer, 10 taon na record ng opisina ni ex-Usec. Cabral sa Ombudsman
Photo courtesy: DPWH (FB)

Pormal na isinuko ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga computer at aabot sa 10 taon na records ni dating DPWH Usec. Catalina Cabral sa opisina nito sa Office of the Ombudsman. 

Ayon sa ibinahaging mga larawan ng DPWH sa kanilang Facebook page nitong Martes, Disyembre 23, makikita ang pagbabalik ng mga kawani ng nasabing ahensya sa tanggapan ng Ombudsman. 

Anila, bahagi ang naging pagsuko ng DPWH ng mga gamit at tala ni Cabral sa Ombudsman sa Subpoena Duces Tecum nito. 

“Pormal nang nai-turn over ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang computer at files mula sa opisina ng yumaong dating Undersecretary Maria Catalina Cabral mula sa nakalipas na 10 taon bilang bahagi ng pagsunod sa Subpoena Duces Tecum ng Office of the Ombudsman,” mababasa sa caption ng naturang post ng DPWH. 

National

Imbakan ng pera? Zaldy Co, nagpagawa ng limang palapag na basement sa Forbes Park

Anang DPWH, pinangunahan nina Public Works Usec. Nicasio Conti, Usec. Arthur Bisnar, Usec. Ricardo Bernabe III at Usec. Charles Calima Jr., ang naturang pagsuko ng nasabing mga gamit ni Cabral. 

“Tiniyak ng DPWH na makikipagtulungan ito sa mga awtoridad at mga kaukulang ahensya na nangangasiwa sa imbestigasyon,” pagtatapos nila. 

Kaugnay nito, matatandaang isiniwalat sa publiko ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na mayroon daw listahan si Cabral ng lahat ng proponents ng DPWH insertions.Maki-Balita: ‘Listahan ng proponents ng DPWH insertions, nasa computer ni Cabral!’—Rep. Leandro Leviste

“May listahan sa computer ni yumaong USec Cabral ng lahat ng proponents ng DPWH insertion. May iilang may kopya nito. Kung lumabas lang ito, tapos na ang mga imbestigasyon,” mababasa sa social media post ni Leviste noong Disyembre 19, 2025.

Bukod pa rito, isiniwalat ni Leviste sa isang panayam sa radyo noong Lunes, Disyembre 22, na mayroon daw mga senador ang may ₱120 bilyong insertion sa 2025 national budget. 

Batay umano ito sa mga dokumentong nakuha niya mula sa pumanaw na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral.

MAKI-BALITA: 'Rep. Leviste, dapat linawin 'di kasama mga bagong halal na senador sa 2025 budget insertions!'—Sen. Ping Lacson

MAKI-BALITA: ‘Paano ako magkakaroon ng insertions sa 2025?’ Ridon, bumwelta kay Leviste sa umano’y ₱150 milyong insertions sa DPWH

Mc Vincent Mirabuna/Balita