December 30, 2025

Home BALITA National

Curlee Discaya, BGC Boys 'di napagbigyan sa apelang holiday furlough sa Pasko

Curlee Discaya, BGC Boys 'di napagbigyan sa apelang holiday furlough sa Pasko
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Hindi tinanggap ng Senado ang apelang holiday furlough o makalaya ngayong pasko mula sa Senate detention ang kontratistang si Curlee Discaya at mga Districts engineers na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na binansagang “BGC Boys” noon na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza. 

Ayon sa mga ulat nitong Martes, Disyembre 23, sinabi ni Senate Pro Tempore at Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo “Ping” Lacson na may posibilidad daw na makatakas sina Discaya at iba pa sa hiling nilang pansamantalang paglaya mula sa Senate detention bago pa man mailabas ang warrant of arrest laban sa kanila sa paparating na Pasko. 

“So the risk of escape becomes greater – not to mention that it makes no sense to grant such requests for Christmas leave if indeed warrants are coming out by then,” ani Lacson. 

Samantala, pinayagan naman umanong makadalo ng misa sina Discaya at iba pa sa Senado at mabisita ang mga ito ng kanilang pamilya. 

National

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

Matatandaang nagbigay ng komento si Senate President Vicente “Tito” Sotto III kaugnay sa pagkakapiit nina Discaya,  Alcantara, Hernandez, at Mendoza sa Senate detention hanggang sa sumapit ang Pasko at Bagong Taon.

MAKI-BALITA: Curlee Discaya at iba pa magpa-Pasko, Bagong Taon sa Senate detention?

“Kapag mayroong nag-issue ng warrant sa kanila, isu-surrender namin sila doon sa warrant,” ayon kay Sotto noong Disyembre 11, 2025. 

Dagdag pa niya, “Kapag wala, dito pa sila hangga’t hindi tapos ‘yong Blue Ribbon hearing… Hanggang June of 2028 kasi ‘yan ang sinasabi ng Supreme Court na contempt namin ay hanggang matapos lang ‘yong Committee report or ‘yong Congress na ‘yon.” 

MAKI-BALITA: Sen. Erwin Tulfo, kumulo dugo, magkakasabay sinabon ang ‘BGC Boys’

MAKI-BALITA: Henry Alcantara, pasok na maging state witness matapos magbalik pa ng ₱71M

Mc Vincent Mirabuna/Balita