December 30, 2025

Home BALITA Probinsya

61-anyos na dayuhan, arestado sa patong-patong na 'sexual offenses'

61-anyos na dayuhan, arestado sa patong-patong na 'sexual offenses'
Photo courtesy: CIDG


Timbog ang isang 61 taong gulang na lalaking “american fugitive” matapos mapag-alamang humaharap ito sa patong-patong na reklamo.

Sa ulat na ibinahagi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Lunes, Disyembre 22, nasakote nila ang suspek sa tulong ng Bureau of Immigration (BI) sa Tambuli Tower, Tambuli Seaside, Mactan, Cebu kamakailan.

Ikinasa ang naturang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng isang district court sa Estados Unidos noong Disyembre 4, 2025.

Ayon sa imbestigasyon, humaharap ang amerikanong pugante sa mga reklamong “Transportation with the Intent to Engage in Criminal Sexual Activity” at “Engaging in Illicit Sexual Conduct in Foreign Places,” sa ilalim ng Criminal Case CR-25- 5263-TUC RM (MMA).

 Matapos maaresto ang suspek, dinala ito ng mga awtoridad sa BI para sa wastong dokumentasyon at tamang disposisyon.

Probinsya

12.1°C, naitala sa La Trinidad, Benguet; amihan, inaasahang mas palalamigin pa ang panahon



Vincent Gutierrez/BALITA