December 22, 2025

Home BALITA

'Walang baklang papatol sa 'yo!' Guanzon tinalakan si Llamas, binira ng netizens

'Walang baklang papatol sa 'yo!' Guanzon tinalakan si Llamas, binira ng netizens
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, BALITA FILE PHOTO

Pinatutsadahan ni dating Commission on Election (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon ang political analyst na si Ronald Llamas kaugnay sa sinabi nitong “homophobic” raw siya. 

Mapapanood sa videong inupload ni Guanzon sa kaniyang “X” account nitong Lunes, Disyembre 22, ang pagsayaw niya kasama ang ilan pang mga indibidwal. 

Sa caption ni Guanzon, mababasa ang tahasang pagtuligsa ni Guanzon sa political analyst na natawag niya pang “Lamas” at wala raw baklang papatol dito. 

“Sino ang homophobic? Lamas ikaw walang baklang papatol  sa yo. Tartar ang ngipin mo,” saad niya. 

Probinsya

Barangay captain, bodyguard arestado sa kasong estafa, illegal possession of loose firearms

Photo courtesy: Rowena Guanzon (X)

Photo courtesy: Rowena Guanzon (X)

Kaugnay nito, matatandaang ipinahayag ni Llamas sa naging panayam sa kaniya ng DZMM Teleradyo noong Disyembre 9, 2025, na natutuwa raw siya sa mga umano’y racist remarks, pamemersonal, tsismis, homophobic at iba pang sinasabi ni Guanzon sa online. 

“Tawa ako nang tawa. Amazing. Biruin mo for a lawyer, may mga racist remarks, may mga ad hominem, may mga tsismis, tapos mayoong red tagging, mayroon pang homophobic na mga statement. Kaya tawa ako nang tawa,” pagkukuwento ni Llamas. 

Samantala, tila hindi naman natuwa ang netizens sa naging pahayag ni Guanzon sa natura niyang post. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao: 

“Statements ba ito ng Isang nagsasabing Siya ay may PhD, Harvard educated at commencement speaker? At Isang abogada ?! Parang mas disente pang magsalita Yung mga tinatawag nating taga squatters at walang pinag aralan!” 

“Saltik” 

“Hmmm… how low can one get…I’m sure Harvard and UP are cringing (if they even know you exist) haahh” 

“Grabe makapang lait akala mo nman napakaganda ay naku tlga bkit may mga ganitong tao” 

“Are you speaking to yourself Rowena?” 

“Ayaw ko pa naman sa taong sira ang ngipin, kadiri talaga.” 

“trying hard si attorney. Bwahahahaha.” 

“Ang pangit talaga ng mukha, kakainis tingnan.” 

“Motto of Rowena Guanzon “ If you think you cannot beat him ( in debate), you do it thru ad hominems”

“Ideal man niyo po ba si harry roque” 

MAKI-BALITA: Ronald Llamas, umaming biased

MAKI-BALITA: 'Di malabong isa-isahin kayo!' Rowena Guanzon, hinikayat iba pang sangkot sa korapsyon na magsalita na

Mc Vincent Mirabuna/Balita