December 23, 2025

Home BALITA

SC, pinagtibay 'reclusion perpetua' sa 3 pulis na tumumba kay Kian delos Santos

SC, pinagtibay 'reclusion perpetua' sa 3 pulis na tumumba kay Kian delos Santos
Photo courtesy: via AP News

Muling pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang hatol sa kasong murder laban sa tatlong pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian delos Santos sa Caloocan City noong 2017.

Sa inilabas na pahayag ng SC nitong Lunes, Disyembre 22, inihayag nilang hinahatulan ng guilty sa kasong murder ang tatlong pulis na mahaharap sa reclusion perpetua o 40 taong pagkakakulong.

"In a decision written by Associate Justice Joseph Y. Lopez, the SC's Second Division found police officers Arnel Oares, Jemerias Pereda, and Jerwin Cruz guilty of murder. They were sentenced to reclusion perpetua, or up to 40 years in prison, and ordered to pay Kian's family PHP 275,000 in damages," saad ng SC.

Matatandaang noong Agosto 2017 nang gumawa ng ingay ang kontrobersyal na pagkamatay ni Kian sa isang drug operation ng nasabing mga pulis.

National

‘Paano ako magkakaroon ng insertions sa 2025?’ Ridon, bumwelta kay Leviste sa umano’y ₱150 milyong insertions sa DPWH

Ayon sa SC, pinaghinalaan umano ng mga suspek na pulis si Kian na sangkot sa ilegal na droga. Pinisikal din umano ng isa sa tatlong pulis si Kian kung saan nagmakaawa itong pauwiin na lang siya dahil may exam pa raw kinabukasan.

Batay sa salaysay ng ilang saksi, dinala ng mga suspek sa isang madilim na lugar malapit sa ilog ang biktima, kung saan natagpuang patay si Kian matapos umalingawngaw ang mga putok.

Depensa noon ng mga suspek, nauna na raw silang paputukan ng baril kung kaya't napilitan din umano silang gumanti.

Samantala, ayon pa sa SC, pinagtibay rin ng Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals (CA) na hindi rin maaaring magkaroon ng parole ang sentensyang reclusion perpetua laban sa mga suspek.

Paninindigan pa ng SC, "the killing of a minor could not be considered standard in this operation and that the performance of duties does not include murder."