Ilang araw na lang at magpapalit na ng taon kaya naman naglabas ng ilang paalala ang mga awtoridad, kabilang ang bawal na paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok, para sa ligtas na pagsalubong ng taong 2026.
MGA IPINAGBABAWAL NA PAPUTOK
Kamakailan, naglabas ang Philippine National Police (PNP) ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok na hindi puwedeng gamitin saan mang lugar sa bansa.
Babala ng PNP na pagmumultahin nila ng aabot sa P20,000 ang mga mahuhuling magbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok.
Bukod sa multa, posible ring makulong ng anim na buwan hanggang isang taon.
Listahan ng mga bawal na paputok: 'Goodbye Chismosa, Goodbye Bading kasama sa listahan ng mga ipinagbabawal na paputok
'DI LIGTAS NA PAGSUBO NG PLASTIK NA TOROTOT
Pinaalalahan ng toxics watchdog na BAN Toxics ang mga magulang na maging maingat sa bibilhing plastic hornpipes o torotot para sa kanilang mga anak sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ayon sa naging pahayag ng BAN Toxics, sinabi nilang maaaring magtaglay ang mga plastic na torotot ng neurotoxins na makakaepekto sa development ng utak ng isang bata.
“[B]e extra cautious when buying plastic hornpipes or “torotot,” as some may contain harmful chemicals such as lead and mercury, known neurotoxins that can severely affect a child’s brain development,” pagsisimula nila.
Dagdag pa nila, “While torotot are often promoted as a safer alternative to firecrackers, the group, which advocates for safe toys for children, emphasized the need for the public to be aware that plastic hornpipes may contain harmful chemicals and urged parents and caregivers to closely supervise children while using and playing with them.”
Pagpapatuloy pa ng BAN Toxics, bumili raw sila ng 12 na mga plastic na torotot sa Baclaran, Pasay City at Divisoria, Manila na may presyo mula ₱15 hanggang ₱40 at nagpositibo ang mga ito sa mga kemikal na lead sa lebel na 980 parts per million (ppm) at mercury na umabot sa sukat na 190 ppm.
Basahin: Bawal sa mga bata? Plastik na torotot, 'di ligtas isubo sa Bagong Taon