December 23, 2025

Home BALITA Politics

Ronald Llamas, umaming biased

Ronald Llamas, umaming biased
Photo Courtesy: Ronald Llamas (FB)

Inamin ni dating Presidential Adviser for Political Affairs Ronald Llamas na siya ay may kinikilingan. 

Sa isang Facebook post ni Llamas nitong Lunes, Disyembre 22, sinang-ayunan niya ang mga nagsasabing may kinakampihan umano siya.

Aniya, “Biased daw ako. I agree. And I make no apology for it. I am biased for truth, justice, human rights and democracy.”

“‘Neutrality’ in the face of plunder, injustice and impunity is not fairness, it is complicity,” dugtong pa ni Llamas.

Politics

DILG Sec. Remulla, posibleng tumakbo sa 2028 Presidential Elections

Matatandaang kilala si Llamas sa mga maaanghang at kwela niyang tirada sa mga kilalang personalidad sa politika na nasasangkot sa kaliwa’t kanang isyu.

Gayundin, madalas siyang maimbitahan sa mga panayam para magbahagi ng sarili niyang pagsusuri sa mga isyung kinakaharap ng bayan. 

Kaugnay na Balita: #BalitaExclusives: Malawak na alyansa ng oposisyon vs VP Sara sa 2028 elections, posible nga ba?