December 22, 2025

Home BALITA National

QR code na lang? Pamimigay ng ‘aguinaldo’ idaan na lang sa e-wallets, online banking—BSP

QR code na lang? Pamimigay ng ‘aguinaldo’ idaan na lang sa e-wallets, online banking—BSP

Hinihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gumamit na lang ng online transactions para sa pamimigay ng tradisyunal na pamasko o aguinaldo ngayong Kapaskuhan.

Sa inilabas na pahayag ng BSP nitong Lunes, Disyembre 22, 2025, hinimok nila ang paggamit ng "e-aguinaldo" para raw sa mas ligtas at madaling pamamaraan ng pamimigay ng pamasko.

"The BSP also encourages the public to use digital or e-money as cash gifts to their godchildren, family and friends," anang BSP.

Saad pa nito, "Using e-wallets and online banking offers a safer and more convenient way to send cash gifts during the Christmas season."

National

'Basta Duterte apelyido!' Rep. Pulong, tumirada sa panunuligsa ng publiko kay VP Sara

Maki-Balita: ALAMIN: Paano malalaman mga ‘pekeng Aguinaldo’ ngayong Kapaskuhan?

Sa kabila nito, iginiit din ng BSP na patuloy pa rin daw ang produksyon nila ng mga banknote at barya upang masiguro ang supply sa mga bangko sa buong Pilipinas.

"The BSP continues to produce fresh banknotes and coins to make these available in banks in anticipation of the expected surge in currency demand during the Yuletide season," saad ng BSP.

Samantala, binigyang-linaw din ng BSP na ang pagpapalit ng pera sa bangko ay lehitimong "free of charge." Kaya naman nanawagan din silang pawang mga awtorisadong bangko lamang daw makipag-transaksyon ang taumbayan upang maiwasan ang mga service fee.

"The public is encouraged to transact with BSP-authorized banks for currency to avoid 'service fees' imposed by individuals or other parties," giit ng BSP.