January 25, 2026

Home SHOWBIZ

Pura Luka Vega, nag-Maui Wowie sa libreng sakay sa tren

Pura Luka Vega, nag-Maui Wowie sa libreng sakay sa tren
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, Pura Luka Vega (X)

Hindi nagpakabog ang drag artist na si Pura Luka Vega at nagawa pa nitong mag-Maui Wowie trend sa “12 Days na Libreng Sakay” sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 ng Department of Transportation (DOTr). 

Sa videong inupload ni Pura sa kaniyang “X” nitong Lunes, Disyembre 22, mapapanood ang tila good vibes na pag-lip sync niya sa lyrics ng kantang Maui Wowie ni Kid Cudi. 

Photo courtesy: Pura Luka Vega (X)

Photo courtesy: Pura Luka Vega (X)

Matatandaang nagbigay na rin noon reaksiyon si Pura sa "12 Days na Libreng Sakay” sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 bilang bahagi ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. 

Elijah Canlas, ilang beses ‘inechos’ ng filmmakers

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega sa libreng sakay ng LGBTQIA+ sa LRT, MRT: 'Lahat tayo bakla!'

Aniya, “Malalaman mo talaga kung ano ang tingin at pagkakaunawa ng tao sa pagiging bakla. Because what do you mean ‘Libreng sakay for the LGBTQIA+?’”

“Pero gow. Lahat tayo bakla on that day forda free ride. Keri ba mag SOGIE awareness din tayiz?” dugtong pa ng drag artist.

Samantala, bukod kay Pura, sinuportahan din ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang pa-libreng sakay ng DOTr para sa “12 Days of Christmas: Libreng Sakay” nito para sa iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang ang LGBTQIA+.

MAKI-BALITA: Rep. Perci Cendaña, sumakay rin sa tren para sa libreng sakay sa mga LGBTQIA+

“Paparating na sa lipunang malaya at pantay! Itong libreng sakay ng DOTr sa LRT at MRT stations para sa LGBTQIA+ community ay isang mahalagang hakbang ng gobyerno na i-recognize ang ating sector as an official sector,” saad ni Cendaña sa kaniyang social media post nito ng Lunes, Disyembre 22, 2025. 

“Sana’y mas maging bukas pa, hindi lang ang executive, pati ang Kongreso, na kikilalanin ang karapatan ng LGBTQIA+ community at magpasa ng mga batas ukol dito,” pagtatapos niya.

MAKI-BALITA: 'Pag beks, papakita Grindr?' Scheduling ng DOTr libreng sakay, umani ng reaksiyon

MAKI-BALITA: Rainbow Rights PH sa pagratsada ng libreng sakay sa mga LGBTQIA+: 'Problematic policy but a win for visibility'

Mc Vincent Mirabuna/Balita