December 22, 2025

Home BALITA

Paggamit ng AI, minamatahan ng DOST para sa disaster preparedness sa 2026

Paggamit ng AI, minamatahan ng DOST para sa disaster preparedness sa 2026

Inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) na ilulunsad nila ang isang artificial intelligence (AI)-enabled platform na inaasahang tutulong sa disaster preparedness sa bansa.

"Siguro by next year, ilo-launch natin yung tinatawag nating 'Plan Smart Ready to Respond,' para makita ng ating mga kababayan ano ba yung problema ngayong araw? may bagyo ba? Sama ng panahon? AT ano ang gagawin? Ito ay AI-enabled," ani DOST Sec. Renato Solidum, Jr.

Bagama't hindi inilahad ni Solium ang detalye sa nasabing plano nila para sa 2026, ipinagmalaki naman niya na hindi na raw naiiwanan ang Pilipinas pagdating sa advancement ng mga teknolohiya.

"Kung titignan naman natin ang ating bansa, hindi tayo napag-iwanan. Lagpas tayo sa gitna. Pero marami pa tayong pwedeng gawin: pataasin ang compute power, at siyempre i-upskill ang kakayanan ng mga Pilipino para gumamit ng AI,' anang DOST secretary.

National

‘Paano ako magkakaroon ng insertions sa 2025?’ Ridon, bumwelta kay Leviste sa umano’y ₱150 milyong insertions sa DPWH

Dagdag pa niya, "Pagdating sa compute power, may plano po ang DOST na taasan pa 'yan. Meron na pong pondo sa pagtaas ng compute power, pero makikipagtulungan tayo sa private sector."

Kasado na rin daw ang DOST na magtayo ng mga data center sa susunod pang mga taon.

"Magtatayo din ng sariling data center ang DOST para lahat ng datos ng departamento ay ma-secure natin at maging sovereign tayo diyan," saad ng DOST.

Hinggil naman sa paghulma ng mga AI experts sa bansa, "Ang DOST ay tutulong sa pag-develop ng AI talent, mga inhinyero through masters and PhD."