December 23, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Netizens, nagtataka: Bakit ‘di na ma-feel ang Pasko habang tumatagal?

Netizens, nagtataka: Bakit ‘di na ma-feel ang Pasko habang tumatagal?
Photo Courtesy: Pexels

Sa lahat ng holiday sa kalendaryo, Pasko na siguro ang isa sa maituturing na pinakamasaya. Panahon ito ng pagbibigayan at pagmamahalan dahil ito rin ang panahon kung kailan ibinigay ng Diyos ang Kaniyang Bugtong na Anak na tumubos sa kasalanan ng sanlibutan bilang tanda ng Kaniyang pagmamahal sa sangkatuhan.

At sa Pilipinas, mahabang panahon ang inilalaan para ipagdiwang ito. Pagpasok pa lang ng ng Setyembre, maririnig na agad ang kantang “Christmas In Our Hearts” ni Jose Mari Chan o ang “All I Want For Christmas Is You” ni Mariah Carey.

Napapalamutian na rin ang paligid ng mga pampaskong dekorasyon: Christmas lights, Christmas tree, parol, belen, at rebulto ni Santa Claus.

Ganap itong matatapos paglipas ng Pista ng Tatlong Hari na ipinagdriwang tuwing Enero 6 para gunitain ang pagbisita ng tatlong hari kay Jesus sa sabsaban ng Bethlehem.

Mga Pagdiriwang

Sa pagsalubong ng Bagong Taon: Bawal magpaputok, bawal magsubo ng torotot

Kaya kung susumahin, mahigit tatlong buwan ang iginugugol na panahon ng mga Pilipino para sa selebrasyon ng Pasko. 

Basahin: Pilipinas, pinakamahabang magdiwang ng Pasko sa buong mundo

Ngunit paano kung magbago ang Paskong kinagisnan ng lahat? Paano kung iba na ito sa Paskong ipinagdiriwang noong musmos pa lang at nasa murang edad?

Dito nakasentro ang usap-usapan ng mga netizen sa nabuong forum sa kilalang social media platform na Reddit. 

Sa Reddit post kamakailan, nagkaroon ng diskusyon ang mga netizen matapos magtanong ng isang user tungkol sa kahungkagang nararamdaman tuwing sasapit ang Kapaskuhan.

“Tanong lang,” sabi ng Reddit user, “bakit parang hindi na masyadong ramdam ang PASKO ngayon?”

“No’ng mga early 2000s kapag sumapit na ang  ‘ber’ months iba na ang simoy ng hangin, ang sarap na sa pakiramdam,” dugtong pa niya. 

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: 

"Nakakawalang gana. Puro corruption. Tapos sasabihan ka pa na P500 lang kasya na pang Noche Buena."

"Because we failed as the adults who would spearhead the christmas spirit. As children, we were receivers of the adults' efforts and sacrifices to make the ‘magic’ happen. But now we're the adults and a lot of us are tired, demotivated, or struggling to even make fairydust happen (even tho our parents had their share of hardships during their time, they still went out of their way to implement the traditions). Some adults still expect to just receive the magic of the occassion from their elders. Tayo na ang mga tito at tita. We should be the ones who make Pasko happen. Its sad because its the children who are deprived of the beautiful memories and community involvement."

"Dahil tayo na dapat ang nagpaparamdam ng pasko sa mga bata ngayon like how our elders did when we were younger."

"I notice na isa to sa pinaka malungkot na pasko for me. Di lang dahil tumatanda ako. Umuwi ako pa south last time and wala na masyado design sa kalsada na pampasko na parang takot na yung mga local goverments mag labas ng pera for that shit especially sa nangyayare. Sabayan pa ng weather na for some reason di talaga malamig. Mga bata may technology na at mas concious na sa sarili since sa social media kaya ayaw na nila mangaroling. Generation na mas marami na goals sa buhay kaysa mag stay sa bahay (which is not wrong, just saying) at syempre un nga pahirap na pahirap kumita."

"bukod sa corruption, mga ungrateful and reklamador na ibang tao ngayon, compared dati na kahit walang wala yung ibang tao nakakapagcelebrate pa rin at nagagawang magbigayan, ngayon abutan mo ng magkano yung bata, magrereklamo kasi ganon lang"

"Mas mahirap ang buhay ngayon conpared before"

"Yung pagtanda is not a big factor, the biggest factor ay yung korapsyon na gumawa ng chain reaction hanggang sa smallest unit of society, which is yung mga pamilya. Sobrang taas ng bilihin, mababang pasahod, dagdag pa yung mga katiwaliang nalalantad nga pero wala namang napupuntahan."

"It's because masyado tayong acquire ng acquire ng mga kultura ng ibang bansa. Tayo lang din naman pumatay ng pasko ng pinas."

"dito samin, hindi talaga, baha pa rin hanggang ngayon e HAHAHAHHAHAHAHA umayy"

Samantala, may paliwanag naman ang sikolohiya sa likod ng ganitong klaseng pakiramdam. 

Ayon sa National Center for Mental Health (NCMH), ito ang tinatawag na “holiday blues” na tumutukoy sa sumusulpot na pakiramdam ng lungkot, pag-iisa, at stress. 

Kadalasan itong nagsisimula pagsapit ng Nobyembre o Disyembre. Ngunit nawawala rin umano kalaunan pagdating  ng Bagong Taon. 

Maki-Balita: ALAMIN: Ano ang ‘holiday blues’ at paano ito malalagpasan?