December 23, 2025

Home BALITA

NAPOLCOM, niratsada target na 'zero backlog;' 25 taong pending cases, taob!

NAPOLCOM, niratsada target na 'zero backlog;' 25 taong pending cases, taob!

Naresolba na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pending na mga kaso ng ilan nilang tauhan na nakatengga sa kanila sa loob ng 25 taon.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Vicente Calinisan, maituturing daw na "institutional milestone" ang nagawa nilang pagresolba sa kanilang mga pending.

"This was my first marching order, and today we can confidently say, we delivered. We are on track for zero backlog by Tuesday (December 23), where our formal announcement will be made," ani Calinisan.

Matatandaang noong Abril 2025 nang maupo si Calinisan sa kaniyang posisyon kung saan agad niyang isinulong ang resolusyong magtatapos sa mga nakabinbing mga kaso sa kanilang tanggapan bago magtapos ang 2025.

National

‘Paano ako magkakaroon ng insertions sa 2025?’ Ridon, bumwelta kay Leviste sa umano’y ₱150 milyong insertions sa DPWH

Dagdag pa niya, "We finished a 25-year case backlog, something many thought was impossible. But with service, integrity, and teamwork, we proved that genuine reform can happen."

Samantala, sa isang hiwalay na pahayag, mariing kinondena ng NAPOLCOM ang pagpatay sa isang pulis at ang pagkakasugat ng tatlo pa matapos ang isang armadong engkuwentro sa hindi pa nakikilalang mga salarin sa Barangay San Isidro, Candelaria, Quezon noong Disyembre 19.

Sinabi ng komisyon na hindi nito kukunsintihin ang mga pag-atake laban sa mga alagad ng batas, at nanawagan ito para sa agarang pagkakakilanlan, pag-aresto, at pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek.

Tiniyak din nito sa publiko na mahigpit itong nakikipag-ugnayan sa Philippine National Police at iba pang kinauukulang ahensya upang matiyak na maisasagawa ang isang masusing imbestigasyon at makakamit ang hustisya alinsunod sa batas.