December 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Maasim daw? Zack Tabudlo, inintriga amoy sa UST Paskuhan 2025

Maasim daw? Zack Tabudlo, inintriga amoy sa UST Paskuhan 2025
Photo Courtesy; Screenshots from UST Tiger Radio (TikTok)

Usap-usapan sa social media ang umano’y amoy ni singer-songwriter Zack Tabudlo sa pagtatanghal nito sa ginanap na UST Paskuhan 2025.

Sa video clip na ibinahagi ng UST Tiger Radio kamakailan, mapapanood si Zack na lumapit sa crowd na nasa barikada habang tagaktak ang pawis sa suot niyang gray shirt.

“We are now caught in the Zack Tabudlo loop!” saad sa caption.

Dagdag pa rito, “Thomasians sing their hearts out together with Zack Tabudlo for the Paskuhan Concert!”

Tsika at Intriga

Hiningal ka rin ba? Video ni Ariel Rojas sa pagtawid sa 2 malls sa QC, pinanggigilan!

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"tindi ng amoy niya beh nung anjan kami"

"ang acm nyan mga te nasa may bandang barricade kami nung nag walk siya tapos kahit hindi lumapit ang lakas parin ng amoy"

"guys mabango talaga sha pumunta siya sa bcd before and i swear mabango siya "

"Wrong choice of shirt no? Dapat pag concert, black sana or yung hindi masyado visible na pawis."

"HOY TEKA MAY AMOY BA TALAGA? PLS TELL ME YUNG TOTOO "

"Shame on everyone who is bullying him!!!"

"perfect pala ng iba d2 walang body odor, sanaol "

"Kaya Pala nakatakip mga ilong ng audience nung lumapit sya. "

"Nakaka sad naman ibang comment here. Na para bang hindi sila umaasim. "

"Mind you, guys. Sobrang bait n'yan. Sobrang dedicted sa mga ginagawa n'ya. Ang sad lang na ganito ang mga comment. "

"Guys sobrang pawisin talaga nyan ni zack. Fan here since day 1 "

"i dont mind the smell mapanood ko lang sya ulit ng live"

Samantala, wala pa namang pahayag o reaksiyon si Zack hinggi dito. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahgit 68K likes at 1.1M views ang naturang video.

Matatandaang nakilala si Zack dahil sa mga kanta niyang “Binibini,” “Pano,” Habang Buhay,” at marami pang iba.