Bigong makaalis ng bansa ang isang lalaking papunta sana ng Singapore matapos siyang mag-bomb joke sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon sa mga ulat, nagbiro ang lalaki na may dala umano siyang bomba habang nasa security screening siya sa departure area.
Bunsod nito, mabilis na rumesponde ang Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) upang inspkesyunin ang kaniyang mga bagahe at ikumpirma ang umano'y dala niyang pampasabog.
Subalit, nilinaw ng biktima na biro lamang daw ang nauna niyang pahayag.
Bagama't naklaro sa NAIA Terminal 3 na walang banta sa kanilang kaligtasan at seguridad, napagdesisyunan ng mga awtoridad at ng pamunuan ng airline na i-offload na lamang ang pasahero at isama sa blocklist para sa mga susunod pa nitong flights.
Kaugnay nito, napagpasyahan din ng airline na huwag na lamang magsampa ng kaukulang legal na reklamo laban sa nasabing pasahero.
Ayon pa sa PNP-AVSEGROUP, mahigipit nilang inuulit sa publiko na wala umanong puwang ang mga biro at kalokohan sa seguridad sa kahit na anong paliparan sa bansa.