January 04, 2026

Home SHOWBIZ

'In*ka 2 times!' Kakai Bautista, binarda na naman si Sarah Discaya

'In*ka 2 times!' Kakai Bautista, binarda na naman si Sarah Discaya
Photo courtesy: Kakai Bautista/FB


Pinanggigilan na naman ng aktres at singer na si Kakai Bautista ang kontratistang si Sarah Discaya, matapos itong hainan kamakailan ng warrant of arrest ng National Bureau of Investigation (NBI), kaugnay sa pagkakasangkot nito sa ₱96.5-million ghost flood control project sa Davao Occidental.

Sa ibinahaging social media post ni Kakai, sinabi niyang masaya raw siya at kulang pa umano ang pagkakaaresto sa kontratista.

“Inaka 2 times. HAPPY KAME. kulang pa yan!!!!!!!!” saad ni Kakai sa kaniyang post.

Kalakip nito ang isang video mula sa GMA News kung saan mapapanood ang emosyonal na si Discaya habang ine-escortan ng NBI.

“Happy? Happy! Yes!” saad ni Discaya sa naturang video.

Sa hiwalay na social media post, bumanat ulit ang actress-singer. Aniya, sumisilip daw ang kaniyang sungay sa tuwing makakakita siya ng umano’y magnanakaw na hindi nagsisisi.

“Sumisilip ang sungay ko kapag nakikita ko ang mga MAGNANAKAW na walang pag-sisisi,” aniya.

“Bawal dito ang mga IMPOKRITO AT IMPOKRITA!!!!!!! Wag nyo akong sinasabihan na MASAMANG MAGALIT. Pwe!!!!! May karapatan tayong MAGALIT. Kahit si LORD alam yan. Huhupa ang galit pero ang pagnanakaw HIND hangga’t walang hustisya!!!!!!!!” dagdag pa niya.

Matatandaang kamakailan, nauna nang pinatikim ni Kakai ng isang sermon si Discaya matapos nitong sabihing natatakot siyang makulong at mawalay sa kaniyang pamilya.

“IN*KA! Sampu ng kanu-nunuan mo. Kung MAHAL nyo ang mga ANAK nyo, HINDI KAYO MAGIGING SAKIM. You will be served with what you DESERVE. Deserve ng PAMILYA MO ang BAWAT Galit na meron ang BAWAT Pilipino,” saad ni Kakai sa kaniyang post.

MAKI-BALITA: 'In*ka!' Kakai tinalakan Sarah Discaya matapos sabihing takot siya mawalay sa pamilya niya-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA