December 23, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

'I'mPerfect' star Earl Jonathan Amaba, 'di nahirapan sa una niyang pelikula

'I'mPerfect' star Earl Jonathan Amaba, 'di nahirapan sa una niyang pelikula
Photo Courtesy: Nathan Studios (IG)

Tila sisiw lang para kay “I’mPerfect” star Earl Jonathan Amaba ang pagbida sa kauna-unahan niyang pelikula.

Sa latest episode ng “Toni Talks” noong Linggo, Disyembre 21,inusisa si Earl ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga kung nahirapan ba siyang gawin ang “I’mPerfect.”

Kabilang ito sa mga lahok na pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025.

“Was it hard, Earl, to do a movie?” tanong ni Toni.

Pelikula

Pangarap maging bad guy? Alden Richards, raratsada bilang kontrabida sa Hollywood film

“Very easy,” sagot ni Earl na tila nagpabilib sa host ng online talk show. 

Kasama ni Earl na sumalang sa “Toni Talks” ang “I’mPerfect” co-star niyang si Anne Krystel Daphne Go na kapuwa may down syndrome. 

Sila ang mismong gumanap sa mga karakter ng pelikulang sina “Jessica” at “Jiro” na kapareho nila ang kondisyon.

Ani Toni, pinatotohanan umano ng isa pang co-star nilang si Joey Marquez ang husay ng dalawa sa pelikula. 

“He said he was so impressed sa inyong dalawa. Because you were able to memorize your lines, the blocking, and you wouldn’t think that this is your first movie,” lahad niya.

Pareho umanong pangarap nina Earl at Krystel na maging artista noon pa man. Sa katunayan, idol daw ni Krystel si Toni. Isa sa mga gusto niyang pelikula nito ay ang “You Got Me” na dinerek ni Cathy Garcia-Molina.

Kaya naman masaya sina Earl at Krystel na natupad na ang dating pinapangarap lang nila.