December 30, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hiningal ka rin ba? Video ni Ariel Rojas sa pagtawid sa 2 malls sa QC, pinanggigilan!

Hiningal ka rin ba? Video ni Ariel Rojas sa pagtawid sa 2 malls sa QC, pinanggigilan!
Photo courtesy: Screenshots from Ariel Rojas/FB

Tila maraming naka-relate sa video na ibinahagi ni ABS-CBN at TV Patrol resident weatherman Ariel Rojas tungkol sa daang babagtasin para makatawid sa dalawang sikat na malls sa North EDSA, Quezon City.

Mababasa sa kaniyang Facebook post, "Nasubukan nyo na bang tumawid to SM North from Trinoma and vice versa? Tapos maulan at magpa-Pasko."

"Kasama ang transportasyon sa mga sektor na lubhang naaapektuhan ng masamang panahon. Kaya importante ang pagkakaroon ng maganda at accessible na mass transport para mas maginhawa ang byahe ng publiko," aniya pa.

Sa video, makikita ang "masalimuot" na pagtawid patungo sa mga nabanggit na malls, kung saan kailangang bagtasin ang mga daan sa paligid nito at umakyat pa sa footbridge. Ayon sa ilang mga netizen, hindi na umano maraanan ang connecting bridge ng dalawang malls dahil sa ginagawang MRT.

Tsika at Intriga

'Hallu, Hallu sa kulungan!' Anne Jakrajutatip himas-rehas nang 2 taon, anyare?

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ako po yung napagod"

"Ang alam ko may daan jan sa loob ng trinoma going to sm north. Tatawid lang sa foot bridge. Jan ako dumadaan dati. Sinarado na ba yun?"

"Relate hahaha huhuuu yung mga nag cocomment na may tawiran sa loob ng trinoma, sigurado matagal na yan di nakapunta ng trinoma patawid ng sm north hehe kasi almost a year ng naka close yun due to sa ginagawang mrt. Pero kanina sa kabila kami dumaan yung sa mindanao ave malapit, basta don sa malapit sa garden sa trinoma, mas convenient sya patawid ng sm north, though langhap mo pa din mga alikabok kasi sa gilid ng kalsada."

"I live near this two giant malls and legit ito. Dadaan ka muna sa mundo ni Super Mario."

"Grabe dyan, sino ba ang dapat na may concern dyan.pahirap sila sa mga tao."

"Takeshi's Castle?"

"Experienced it also after that d na ako nag punta ng Trinoma but I found new way mas maigsing lakaran. Kung galing ng Trinoma at pupunta Po ng SM North lumabas po kayo sa mismong pinaka harapan or entrance ng Trinoma then may tulay po or tawiran din sa ibaba then lakad lang Po papunta ng SM North d hamak mas malapit kaysa sa unang ko na daanan para akong nag trip to Jerusalem."

"Hahaha nanuod lang ako pero ako pa ang napagod."

Isang netizen naman ang direktang sinagot ni Ariel. 

"sakay nlng ng carousel from Trinoma to SM North. Yun nga lang 15pesos pa, pero less stress naman na," saad ng netizen.

Sagot ni Ariel, "pero bakit nasa pedestrian at commuter ang responsibilidad na maghanap ng paraan para makatawid nang matiwasay sa malls na dapat ay connected bilang transport hubs?"

Photo courtesy: Screenshot from Ariel Rojas/FB

Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 1.8M views, 25k reactions, 4.2k shares, at 2.2k comments ang nabanggit na post ni Ariel.