December 23, 2025

Home BALITA National

Hindi pa tapos? Mga solon, umapelang imbestigahan pagpanaw ni ex-DPWH Usec. Cabral

Hindi pa tapos? Mga solon, umapelang imbestigahan pagpanaw ni ex-DPWH Usec. Cabral
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

Isinapubliko ng House of the Representatives ang House Resolution No. 606 na natanggap nila mula sa mga mambabatas na umapelang paimbestigahan pa ang pagkamatay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral. 

Ayon sa natanggap na dokumento natanggap ng Kamara nitong Lunes, Disyembre 22, makikitang pinangunahan ni Senior Deputy Minority Leader at Caloocan 2nd District Rep. Egay Erice ang nasabing apela at kasama niya ang mga sumusunod na mga mambabatas:

Rep. Leila De Lima

Rep. Adrian Michael A. Amatong

National

‘Paano ako magkakaroon ng insertions sa 2025?’ Ridon, bumwelta kay Leviste sa umano’y ₱150 milyong insertions sa DPWH

Rep. Jose Manuel “Chel” Diokno

Rep. Perci “Perci” Cedaña

Rep. Dadah Kiram Ismula 

Rep. Kaka J. Bag-ao 

Rep. Elijah Rumbaga San FernandoRep. Alfonso V. Umano Jr. 

Rep. Leandro Legarda Leviste

Rep. Cielo Krisel Lagman

Rep. Jaime R. Fresnedi

Anila, may kapangyarihan ang Kamara sa ilalim ng  Article VI, Section 21 ng Konstitusyon para maglatag ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Cabral bilang pagpapakita ng transparidad ng pamahalaan. 

“[U]nder Article VI, Section 21 of the Constitution, the House of Representatives has the power to conduct inquiries in aid of legislation to ensure the transparency in government transactions, the accountability of public officers, and the proper use of public funds,” pagsisimula nila. 

Ayon sa dokumentong ipinasa ng mga mambabatas, dapat daw na mabigyang linaw ang epekto ng pagkamatay ni Cabral bilang naging opisyal na may naging malaking gampanin at kaalaman kaugnay sa flood control projects at iba pang government infrastructure programs. 

Dagdag pa nila, para malaman din ang koneksyon at nalalaman ni Cabral dahil sa umano’y pagkakadawit nito sa maanomalyang flood control projects na napondohan ng aabot sa bilyong halaga mula sa kaban ng bayan. 

Ganoon din ang naging partisipasyon ng ilang mga proponents, kontratista, consultant, at public officials sa pagpaplano, approval, pagpopondo, at implementasyon ng mga infrastructure projects. 

Pagpapatuloy pa nila, dapat din daw na maimbestigahan ang kakulangan ng aksyon na isinagawa ng mga awtoridad sa seguridad ng mga materyal na impormasyon at ebidensya kay Cabra, at ang hindi pagbibigay ng proteksyon dito sa kabila ng mahalagang nalalaman nito sa naturang anomalya. 

Layunin umano ng apela nilang nito na isulong ang malinis, may pananagutan, koordinasyon, at pagbabantay sa bawat pagpaplano, pagpopondo, pag-apruba, at implementasyon ng mga infrastructure projects ng pamahalaan. 

MAKI-BALITA: SILG Remulla, kinumpirmang si Cabral bangkay na natagpuan sa Tuba, Benguet

MAKI-BALITA: Kahit wala umanong foul play: Driver ni ex-DPWH Usec. Cabral, person of interest pa rin!

Mc Vincent Mirabuna/Balita