January 06, 2026

Home BALITA Probinsya

High profile drug suspect, timbog matapos masamsaman ng ₱6.12M halaga ng umano’y shabu

High profile drug suspect, timbog matapos masamsaman ng ₱6.12M halaga ng umano’y shabu
Photo courtesy: PNP


Arestado ang isang high profile drug suspect matapos masamsaman ng aabot sa humigit-kumulang ₱6.12 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) noong Linggo, Disyembre 21, ang suspek ay nakatala bilang isang high-value individual (HVI), na nasakote sa ikinasang drug-buy bust operation ng awtoridad sa Brgy. Bongco, Pototan, Iloilo.

Sa pagtutulungan ng Pototan Municipal Police Station (MPS), Police Intelligence Unit (PIU), at Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU) ng Iloilo Police Provincial Office (PPO), aabot sa halos 900 gramo ng hinihinalang shabu ang narekober mula sa suspek—kasama ang buy-bust money at iba pang paraphernalia.

Ayon kay PNP Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang isinagawang operasyon ng awtoridad ay isang patunay sa dedikasyon ng ahensya na sugpuin ang illegal drug activities sa bansa.

“This operation underscores the PNP’s relentless resolve to eliminate illegal drug activities across the country. Ang bawat kilos na aming isinagawa ay para protektahan ang katahimikan at kaligtasan ng ating mga komunidad sa banta ng ilegal na droga,” saad ni Nartatez.

“Illegal drugs have no place in our communities, and we will continue to act decisively. Patuloy kaming magsusumikap upang maramdaman ng mamamayan ang proteksyon ng PNP,” dagdag pa niya.

Nasa ilalim na ng kustodiya ng Pototan MPS ang naarestong suspek.

Probinsya

Off-duty uniformed personnel, kinilala sa pagsagip ng batang nalulunod sa swimming pool



Vincent Gutierrez/BALITA

Inirerekomendang balita