December 22, 2025

Home BALITA

Giit ni Padilla sa ICC: Sistema ng hustisya sa Pinas, gumagana!

Giit ni Padilla sa ICC: Sistema ng hustisya sa Pinas, gumagana!
Photo Courtesy: Robin Padilla, ICC (FB)

Ipinagdiinan ni Sen. Robin Padilla sa International Criminal Court (ICC) na talagang gumagana ang sistema ng hustisya sa Pilipinas.

Ito ay matapos pagtibayin ng Korte Suprema ang kasong murder laban sa tatlong pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian delos Santos sa Caloocan City noong 2017.

Sa latest Facebook post ni Padilla nitong Lunes, Disyembre 22, ibinahagi niya ang ulat sa naturang desisyon ng Korte Suprema sa kaso ni Kian.

“To the International Criminal Court,” panimula ni Padilla. “The Philippine justice system is working—now, and it has always been working. I know this not as theory, but through lived experience. I was once a prisoner under our own laws.”

National

‘Paano ako magkakaroon ng insertions sa 2025?’ Ridon, bumwelta kay Leviste sa umano’y ₱150 milyong insertions sa DPWH

“Let this stand as proof, as evidence, and as a wake-up call to the prosecutors and judges of the ICC,” dugtong pa ng senador. 

Matatandaang Agosto 2017 nang gumawa ng ingay ang kontrobersyal na pagkamatay ni Kian sa isang drug operation ng tatlong pulis na mahaharap sa reclusion perpetua o 40 taong pagkakakulong.

Maki-Balita: SC, pinagtibay 'reclusion perpetua' sa 3 pulis na tumumba kay Kian delos Santos