December 22, 2025

Home BALITA Politics

DILG Sec. Remulla, posibleng tumakbo sa 2028 Presidential Elections

DILG Sec. Remulla, posibleng tumakbo sa 2028 Presidential Elections
Photo courtesy: ABS-CBN News (YT screenshot)

“It’s a possibility. No conclusion yet, but it’s a possibility,” ito ang saad ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla hinggil sa posible niyang pagtakbo bilang pangulo sa paparating na 2028 Presidential Elections. 

Sa panayam sa Kalihim sa ANC Headstart nitong Lunes, Disyembre 22, binanggit niya na bagama’t hindi pa siya masyadong sigurado sa kasalukuyan, ilan sa mga magpapakumpirma sa pagtakbo niya ay ang sasabihin ng asawa at isang “one on one fight” niya laban sa isa pang kandidato.

“First, my wife, if she totally agrees. Number two, for me, the country, it has to be solidly behind a dichotomy of candidates. It has to be a ‘one-on-one fight.’ It can be Vince, it can be Chiz, but it has to be a ‘one-on-one,’” ani Remulla. 

Nilinaw pa ni Remulla na para sa kaniya, mas mainam kung magiging one-on-one ang maging laban niya sa darating na eleksyon para makapili ang mga Pilipino ng lider na mayroong magkaibang bersyon ng pamumuno sa bansa. 

Politics

Ronald Llamas, umaming biased

“Whoever it is, it should be a ‘one-on-one fight.’ I think it should be a dichotomy, the Philippines should have to choose between one version of how to govern and one version with the truth. The Philippines has to choose a common future that they think is believable. And they have to show a contrast between the two candidates,” paliwanag pa niya. 

Sa kaugnay na ulat, si Remulla ay nanilbihan bilang board member ng ikalawang distrito ng Cavite noong 1995. 

Nanalo naman siya sa pagka-vice governor noong 1998 hanggang 2007; at naging gobernador ng probinsya simula 2010 hanggang 2016, at 2019 hanggang 2024, bago maitalaga bilang DILG Secretary noong Oktubre 2024. 

Sean Antonio/BALITA