December 23, 2025

Home BALITA National

'Basta Duterte apelyido!' Rep. Pulong, tumirada sa panunuligsa ng publiko kay VP Sara

'Basta Duterte apelyido!' Rep. Pulong, tumirada sa panunuligsa ng publiko kay VP Sara
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO, MB FILE PHOTO

Dinipensahan ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang panunuligsa ng publiko sa kaniyang kapatid na si Vice President Sara Duterte. 

Ayon sa inilabas na pahayag ni Pulong sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Disyembre 22, sinabi niyang nagiging “selective” ang moral outrage ng ilan sa Pilipinas. 

“Nakakatawa—pero nakaka-insulto—kung paano nagiging selective ang moral outrage ng iilan dito sa bansa,” pagsisimula niya. 

Dagdag po niya, “Kapag may conviction na affirmed na ng korte, biglang may pa-sympathy, may pa-’context,’ may pa-nonchalance. Parang okay lang. Parang minor detail lang na may hatol na.” 

National

‘Paano ako magkakaroon ng insertions sa 2025?’ Ridon, bumwelta kay Leviste sa umano’y ₱150 milyong insertions sa DPWH

Ani Pulong, nahuhusgahan daw agad si VP Sara sa publiko kahit walang kaso, ebidensya, desisyon ng Korte na nagpapatunay sa mga alegasyong natatanggap nito. 

“Pero pagdating kay Vice President Sara Duterte—na wala namang kaso, wala namang ebidensya, wala namang desisyon ng korte—grabe ang atake. Trial by publicity agad. Guilty agad. Walang preno,” saad niya. 

Pagpapatuloy pa niya, mas nadidiin pa raw ang mga inaakusahan pa lang basta kagaya nilang Duterte ang apelyido. 

“Mas madaling patawarin ang may hatol kaysa sa inaakusahan pa lang—basta Duterte ang apelyido. Let’s call it what it is - double standard,” ‘ika niya. 

Nagawa pa niyang ihalimbawa ang mga umano’y nagsasalita tungkol sa human rights pero una pang bumabasura sa presumption of innocence at mga sumisigaw ng “rule of law” na sila pa ra ang nauunang lumabag dito. 

“Ang mga mahilig magsalita tungkol sa human rights, sila pa ang unang bumabasura sa presumption of innocence. Ang mga palaging sumisigaw ng “rule of law,” sila pa ang unang lumalabag dito kapag hindi pabor sa kanila ang narrative,” pagdidiin niya. 

Pahabol pa ni Pulong, hindi raw dapat na mapalitan ng simpatya ang pananagutan at ng mga akusasyon ang pruweba. 

“Sympathy should never replace accountability. And accusation should never replace proof,” aniya. 

“Kung ang may kasalanan ay pinalalampas, habang ang walang kaso ay pinupunit sa publiko, then the problem is not the Dutertes—the problem is the hypocrisy,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: VP Sara, itinanggi personal na relasyon kay Ramil Madriaga

MAKI-BALITA: Trillanes, kinaladkad si Pulong sa isyu ni Cabral

Mc Vincent Mirabuna/Balita