Naaresto ng mga awtoridad ang isang 42 taong gulang na babae na nagtutulak umano ng ilegal na droga sa Bacolod City.
Ayon sa mga ulat, tinatayang nasa 230 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa suspek o katumbas ng hindi bababa sa ₱1.564 milyon.
Ayon sa City Drug Enforcement Unit (CDEU), mahigit isang linggo silang nag-surveillance sa mga kilos at transaksyon ng suspek.
Samantala, aminado naman ang suspek sa pagtutulak niya at inaming ang supplier niya ay nasa karatig barangay din lang daw.
Naging sentro na rin daw ng kanilang ilegal na transaksyon sa droga ang kaniyang maliit na sari-sari store, kasama ang kaniyang pang-deliver na sasakyan.
Depensa ng suspek, nagawa lang daw niya ang pagbebenta ng ilegal na droga upang matustusan ang gamutan ng kaniyang anak na may problema sa puso.
Itinuturing na ng mga awtoridad na isang high-value individual ang suspek na kasalukuyan ng nasa kusotidya na ng Police Station 2. Nahaharap siya sa kaukulang kaso ng illegal possession of dangerous drugs.