December 22, 2025

Home BALITA National

'Anytime now!' Atong Ang, posibleng masilbihan na ng arrest warrant—SILG Remulla

'Anytime now!' Atong Ang, posibleng masilbihan na ng arrest warrant—SILG Remulla
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Ibinahagi sa publiko ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na naghihintay na lamang sila na ikonsidera ng Korte ang mga ebidensyang may kaugnayan sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang para masilbihan ito ng warrant of arrest. 

Ayon sa naging panayam sa Headstart ng ABS-CBN News Channel (ANC) kay Remulla nitong Lunes, Disyembre 22, sinabi niyang may hinaharap na apat na kaso si Ang kasama ang 31 iba pang indibidwal. 

“He has four cases filed in four different courts offer murder, I think, along with 31 others [of] the policemen,” pagsisimula niya. 

Ani Remulla, naghihintay na lamang sila ngayon ng arrest warrant na ilalabas ng alinman sa mga Regional Trial Court mula sa mga probinsya ng Batangas, Laguna, at iba pa. 

National

MMDA: Expanded number coding scheme suspendido ngayong holiday season

“We are just waiting for the warrant of arrest to be issued by the RTCs of four different places. I think Batangas, Laguna, and two other places…” aniya. 

Anang secretary, maaari raw lumabas ang nasabing arrest warrant laban kay Ang anomang oras ngayon. 

“It is supposed to be anytime now. We are just waiting for the judge to fully appreciate the facts of the case, and I think it will be anytime now,” diin niya. 

Sinang-ayunan din ni Remulla na posible rin daw na mag-Pasko sa kulungan si Ang. 

Pagpapatuloy pa niya, non-bailable ang mga kasong may kaugnayan kay Ang. 

“Non-bailable, murder ‘yan, e. Lahat murder ‘yan. Sa kaniya is kidnapping, force disappearance, and para ganon pero non-bailable lahat ng kaso niya,” paliwanag niya. 

Matatandaang may sapat umanong paunang ebidensya o "prima facie evidence" na nakita ang Department of Justice (DOJ) upang isampa sa korte ang mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention labankay Ang at iba pang mga personalidad na umano'y may kaugnay sa misteryosong pagkawala at pagdukot sa mga sabungero mula taong 2021 hanggang 2022.

MAKI-BALITA: 'May sapat na ebidensya!' DOJ, aprub sa kaso laban kay Atong Ang, iba pa dahil sa lost sabungeros

Mababasa sa naging pahayag ng DOJ sa kanilang Facebook post noong Disyembre 9, 2025 na nakitaan ng panel of prosecutors ng prima facie evidence with reasonable certainty of conviction to indict para sa 10 counts of kidnapping with homicide si Ang at iba pang mga personalidad, gayundin sa kidnapping with serious illegal detention; sa kabuuan, aabot sa 26 ang maaaring kasuhan sa korte para sa trial.

MAKI-BALITA: ‘At last!’ Emil Sumangil nag-react matapos pakasuhan ng DOJ mga sangkot sa missing sabungero

MAKI-BALITA: 'Wala sa listahan!' Gretchen Barretto, etsapuwera ng DOJ sa kaso ng mga nawawalang sabungero

Mc Vincent Mirabuna/Balita