Isa sa mga hindi mawawalang kagawian ng maraming Pilipino tuwing sasapit ang Pasko ay ang dumalo at kumpletuhin ang siyam na beses na Simbang Gabi.
Sa paglipas ng panahon, nagkaroon na rin ng persepsyon na kapag nakumpleto ito ay may pagkakataong humiling ang isang tao sa pagbabaka-sakaling matupad ang mga bagay o sitwasyon na kanilang ninanais.
Ayon sa naging paliwanag ni Father Kevin Joshua B. Cosme sa Youtube channel ng Dominus Est PH tungkol sa Simbang Gabi, nagsimula ang “Misa de Gallo” sa Pilipinas noong 1668.
“Simbang Gabi or ‘Night Mass’ is a nine-day practice of attending dawn Masses in preparation for Christmas…” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “The origins of Simbang Gabi in the Philippines, otherwise known as Misa de Gallo or ‘Rooster’s Mass’, go as far back as 1668.”
Ani Father Cosme, pinakilala raw ng mga misyonerong Kastila ang pagsasagawa ng Simbang Gabi tuwing madaling-araw sa mga magsasakang Pilipino bago sumapit ang Pasko para makapagsimula rin ang mga itong makapagtrabaho nang mas maaga.
“Spanish missionaries were said to have introduced the practice of celebrating dawn Masses before Christmas so that farmers could still work early to escape the heat,” kuwento niya.
“The devotion has since caught on, spanning the centuries and gaining a unique Filipino flair,” ‘ika pa niya.
Ngunit nagkakatotoo nga ba talaga na matutupad ang hiling ng isang tao kapag nakumpleto nito ang siyam na beses na pagdalo sa Simbang Gabi o Misa de Gallo?
Paliwanag ni Father ni Cosme, depende ito sa Diyos at dapat daw na tandaan ng lahat na hindi “genie” o “slot machine” ang Diyos para umasang may matutupad sa mga hinihiling ng isang tao.
“It depends on our loving God. God is not a genie or a slot machine where you put something in and expect something else in return,” saad niya, “He is a Father who knows what’s truly good for His children.”
Ngunit sa kabila ngayon ng walang katiyakan na pagtupad ng hinihiling mo mula sa Kaniya, titigil ka na rin ba at hindi na dadalo sa mga ganitong mahalagang Misa tuwing sasapit ang pasko?
Diin ni Father Cosme, dapat daw na matandaang ng bawat isa na nakikita ng Diyos ang mga sakripisyong ginagawa ng isang tao at maaaring bumalik dito ang mga mabubuting bagay na kaniyang ginagawa.
“Well, just remember that our Father is moved by our sacrifices. And while we may ask for something good, God may give us something better. Just be open and hopeful,” pagtatapos pa niya.
Hindi natatapos ang buhay kapag hindi nasunod ng isang tao ang bagay o sitwasyon na kaniyang hiniling.
Nagsisimula ito sa panahong matutuhan ng isang taong ngumiti at maniwalang mabuti ang Diyos at dapat ka ring maging mabuti sa iyong sarili, sa kapuwa, at sa bayan.
MAKI-BALITA: Pope Leo XIV sa paparating na Pasko: 'Find one person with whom to make peace
MAKI-BALITA: #BalitaExclusives: Bentahan ng ilang Divisoria seller, ‘merry’ pa rin kahit medyo lugi
Mc Vincent Mirabuna/Balita