January 06, 2026

Home SHOWBIZ

Ahtisa, 'di naniniwalang kailangan ng advocacy para maging beauty queen

Ahtisa, 'di naniniwalang kailangan ng advocacy para maging beauty queen
Photo Courtesy: Ahtisa Manalo (IG)

Ibinahagi ni Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo ang pananaw niya tungkol sa pagiging beauty queen. 

Sa latest episode ng vlog ni Unkabogable Star Vice Ganda noong Linggo, Disyembre 21, inusisa si Ahtisa tungkol sa mga adbokasiyang bitbit niya sa kada lahok niya sa pageant.

“Ang dami mo nang pageants na sinalihan. Iba-iba ‘yong advocacy na binibitawan mo?” tanong ni Vice.

Pero sagot ni Ahtisa, “Ako, hindi. Kasi hindi rin ako naniniwalang you have to have an advocacy para maging beauty queen ka.”

Tsika at Intriga

'I don’t have to explain myself to anyone!' BINI Jhoanna, nag-repost sa kabila ng dating rumor kay Skusta Clee

“I think it’s something that you’re passionate about, e. Ako, I just so happen to be passionate about youth empowerment and education kasi that’s based on my experience.”

Kaya naman ito rin ang adbokasiyang bitbit niya tuwing sumasampa siya sa entablado para itanghal ang sarili. 

Matatandaang aktibong sinusuportahan ni Ahtisa ang non-profit organization na Alon Akademie para isulong ang youth empowerment bago pa man siya entablado ng Miss Universe.

Sa katunayan, matapos ang laban niya sa presithiyosong kompetisyon, kinumpirma niyang ipagpapatuloy niya ang pagsuporta sa organisasyon.

Si Ahtisa ang itinanghal na third-runner up sa Miss Universe 2025

Maki-Balita: 'I did my best!' Ahtisa Manalo, 'happy and content' sa naging laban sa Miss U

Inirerekomendang balita