December 23, 2025

Home BALITA

7 elepante, patay sa sagasa ng tren

7 elepante, patay sa sagasa ng tren
Photo courtesy: via AP News

Dead on the spot ang pitong elepante habang binabaybay ang kahabaan ng riles matapos masalpok ng paparating na tren.

Sinasabing natanaw na raw ng drayber ng tren ang tinatayang 100 elepanteng tumatawid sa riles kung kaya't agad siyang nag-emergency brake, ngunit ilang mga hayop pa rin ang nahagip nito.

Nasa limang bagon ng tren ang kumalas bunsod ng lakas ng impact dulot ng pagbangga nito sa mga elepante. Wala namang naiulat na nasawi sa mga pasahero nito.

Ayon naman sa Northeast Frontier Railway, nauwi rin sa kanselasyon ng byahe ng ilang tren ang idinulot ng aksidente. Habang malapit na rin sa pinangyarihan ng trahedya ibinaon ang mga labi ng pitong aksidente.

National

‘Paano ako magkakaroon ng insertions sa 2025?’ Ridon, bumwelta kay Leviste sa umano’y ₱150 milyong insertions sa DPWH

Samantala, batay pa sa mga ulat, ang bayan ng Assam ang may pinakamalaking bilang ng populasyon ng mga elepante sa India kung saan tinatayang mayroon umano itong 6,000 mga elepante.

Ayon sa ulat ng AP News, isang baka rin ang nasugatan sa naturang aksidenteng naganap sa Hojai district sa Assam sa India.