January 27, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Vice Ganda, Ion bet na magka-baby pero kailangan muna ng tatlong buwang pahinga

Vice Ganda, Ion bet na magka-baby pero kailangan muna ng tatlong buwang pahinga
Photo courtesy: via MB

Mukhang gustong-gusto na talagang isabuhay ni Unkabogable Star Vice Ganda ang pagiging "Meme" dahil bukas na raw sila ng mister na si Ion Perez para magkaroon ng sariling anak.

Sa panayam sa YouTube channel ni ABS-CBN news anchor-journalist Karen Davila kamakailan, inamin ni Vice Ganda na talagang napag-uusapan na nila ni Ion na magkaroon ng supling, at sa katunayan, kumonsulta na raw sila sa espesyalista tungkol dito.

Balak daw nina Vice Ganda at Ion na sumailalim sa surrogacy.

Ang surrogacy ay isang proseso ng assisted reproduction kung saan may isang babae, o tinatawag na surrogate mother o gestational carrier, na nagbubuntis at nagsisilang ng sanggol para sa ibang tao o mag-asawa, na tinatawag na intended parents.

Relasyon at Hiwalayan

Sa gitna ng hiwalayan issue: John Lloyd Cruz, Isabel Santos naispatang magkasama sa Thailand

Ginagawa ang surrogacy sa mga babaeng hindi o hindi na maaaring magbuntis dahil sa medical condition niya, o kaya same-sex couples na nais magkaanak. Puwede rin namang single individuals na gustong magkaroon ng anak.

Sa Pilipinas, walang malinaw at tiyak na batas na direktang nagreregulate o nagsasa-legal dito.

Anyway, sa edad daw ngayon ng "It's Showtime" host na malapit nang sumampa sa 50, inabisuhan daw siya ng mga doktor na kung gagawin daw ang surrogacy, kinakailangan niyang magpahinga sa trabaho sa loob ng tatlong buwan. Ito raw ay para matiyak na magiging matagumpay ang proseso ng surrogacy.

Ibig sabihin, kailangan daw niyang iwanan ang noontime show at iba pang pinagkakaabalahan. Well, sa money-wise, wala naman daw magiging problema sa kaniya kung tumengga siya sa ganoong kahabang sandali. Sa dami ba naman ng ipon ng komedyana, at siyempre, may mga negosyo pa siya.

Pero hindi raw niya maaatim na iwanan ang It's Showtime, lalo't hindi na rin siya basta host doon kundi may posisyon na rin, lalo na sa creative side ng show, at pag-iisip ng mga segment.

"Kung kita't kita lang rin naman parang kaya ko namang magpahinga ng three months. But I cannot leave Showtime. Hindi dahil sa ‘yong kita ko mawawala. ‘Yong laging, hindi naman sa pagmamayabang, pero ‘yong sa sobrang pagmamahal ko sa Showtime, parang what's going to happen to Showtime if I'm not there for three months?” ani Vice Ganda.

Banggit pa ni Meme Vice, kapag nga medyo matagal na siyang nawawala sa show, todo-tawag na sa kaniya ang ABS-CBN management, at kahit daw wala siya sa show o absent, naka-monitor pa rin siya sa mga ganap.

Noon pang 2022, nasabi na ni Vice na gustong-gusto na niyang magka-baby kay Ion pero hindi pa niya maharap.

Kaugnay na Balita: Vice Ganda, bet na magka-baby sila ni Ion Perez