December 22, 2025

Home BALITA National

Principled partner sa Quad Comm: Benny Abante, nagbigay-pugay kay Romeo Acop

Principled partner sa Quad Comm: Benny Abante, nagbigay-pugay kay Romeo Acop
Photo courtesy: via MB

Nagpaabot ng pakikiramay si Manila 6th District Rep. Bienvenido "Benny" Abante Jr. sa pamilya at mga mahal sa buhay ng yumaong si Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop na pumanaw noong Sabado ng gabi, Disyembre 20.

Sa isang pahayag na inilabas nitong Linggo, Disyembre 21, sinabi ni Abante na labis ang kaniyang pagdadalamhati sa pagkawala ni Acop, na aniya’y hindi lamang isang kasamahan sa House of Representatives kundi isang “principled partner” sa kanilang gawain sa Quad Committee.

Ayon kay Abante, sa kanilang sama-samang paghahangad ng katotohanan at pananagutan, palaging nasa panig ng katarungan si Acop at hindi kailanman nalimutan ang mga biktimang may tungkuling pakinggan ng Kongreso.

"I am deeply saddened by the passing of Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop," mababasa sa opisyal na pahayag ng pakikiramay ni Abante.

National

Parang ang bilis? Doctor-health columnist, napatanong sa 'DNA analysis' kay Catalina Cabral

"Rep. Acop was not only a colleague, but a principled partner in our work at the Quad Committee. In our pursuit of truth and accountability, he consistently stood on the side of justice and never lost sight of the victims whose voices we were duty-bound to hear."

"In the most crucial moments of our hearings, he displayed courage, clarity, and moral conviction. He was firm when firmness was required and fair when fairness was needed. He was steadfast in his belief that public office is a trust that must always be exercised with integrity and respect for human rights."

Inilarawan rin niya si Acop bilang isang lider na marunong maging matatag kapag kinakailangan at patas kapag ito ang nararapat. Giit pa ni Abante, nanindigan si Acop sa paniniwalang ang panunungkulan sa gobyerno ay isang tiwalang dapat isagawa nang may integridad at paggalang sa karapatang pantao.

"I will remember Rep. Acop as someone who stood up for what was right, even when it was uncomfortable or costly. His commitment to accountability and his concern for those who had suffered will remain an example to all of us who continue this work," aniya.

Tinapos ni Abante ang kaniyang pahayag sa pagbanggit ng talata mula sa Bibliya (Micah 6:8), na aniya’y sumasalamin sa prinsipyong isinabuhay ni Acop: ang paggawa ng tama, pagmamahal sa habag, at mapagkumbabang paglakad kasama ang Diyos.

Nagpaabot din siya ng taos-pusong pakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at mga nasasakupan ni Acop, at sinabing ang paggalang sa alaala ng yumaong kongresista ay maisasabuhay sa patuloy na pagtataguyod ng katarungan at mga prinsipyong kanyang pinaninindigan habang naglilingkod.

Kinumpirma ni Antipolo City 1st district Rep. at House Deputy Speaker Ronaldo Puno, at chairman ng National Unity Party (NUP), ang pagkamatay ni Acop, na isa sa mga itinuturing nilang haligi sa partido, batay sa ipinadalang mensahe sa reporters nitong Linggo, Disyembre 21.

Batay sa mga ulat, bandang 10:12 ng Sabado ng gabi, Disyembre 20, nang matagpuan umano si Acop na nakahandusay sa sahig ng kaniyang bunsong anak na si Dr. Karla Marie Acop at ng kaniyang security aide na si Pat Frank Louie Pastrana, matapos mag-doorbell ang nurse ng mambabatas mula sa silid nito. Isinugod siya sa nabanggit na ospital subalit umano'y idineklarang patay na dakong 10:56 ng gabi. Napag-alamang atake sa puso ang ikinamatay ng mambabatas.

Kaugnay na Balita: Romeo Acop, pumanaw na; natagpuang walang malay sa kuwarto

Kaugnay na Balita: KILALANIN: Si dating Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop na nakapansin kay ‘Mary Grace Piattos’