December 21, 2025

Home BALITA Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City

Isang lalaking armado ng cleaver knife na nang-hostage ng isang batang babae nitong Linggo ng umaga, Disyembre 20, 2025, sa hangganan ng Barangay Dansalan at Barangay Sangkay sa Marawi City, Lanao del Sur.

Batay sa inisyal na ulat nitong tanghali ng Marawi City Police Office at ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region, naglalakad lamang ang batang babae nang bigla itong sunggaban ng suspek. 

Napuna umano ng hostage-taker ang dalang ₱500 paper bill ng bata na kaniyang inagaw bago niyakap ang biktima at itinutok ang malapad na kutsilyong pangkusina sa leeg ng biktima.

Ayon pa sa mga ulat, ilang Maranao community leaders mula sa magkatabing barangay ng Dansalan at Sangkay ang nakiusap sa suspek, na inilarawang mistulang wala sa sarili, na pakawalan ang bata subalit tumanggi ito.

Probinsya

59-anyos na lalaki, arestado sa kasong acts of lasciviousness, statutory rape

Isang pulis na nasa malapit na lugar at rumesponde sa insidente ang nagpasiyang barilin ang suspek nang akmang hiwain na umano nito ang leeg ng batang hostage na isang babaeng elementary pupil.

Agad namang isinugod ng mga emergency responders sa ospital ang batang nasugatan sa insidente.

Ayon sa mga senior officials ng Marawi City police force at mga lokal na opisyal ng lungsod, hindi haharap sa kaso ang pulis na nakapatay sa hostage-taker, na pinaniniwalaang nasa impluwensya ng ilegal na droga, dahil naganap ang insidente habang ginagampanan nito ang kanyang tungkulin.