Tila binigyan ni dating Senador Sonny Trillanes IV ng ideya ang kontrobersiyal na kontratista at dating Pasig City mayoral candidate na si Sarah Discaya para makalaya sa pagkakakulong.
Sa latest Facebook post ni Trillanes nitong Linggo, Disyembre 21, sinabi niyang kailangan umanong ikanta ni Discaya ang totoong backer nito sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Ngayon na nakakulong na si Discaya, dapat nyang marealize na ang tanging paraan lang para makalaya sya ay kung sasabihin nya ang totoong backer nya nung duterte admin kaya sya nakakuha ng 200 billion worth of projects,” saad ni Trillanes.
Matatandaang inamin mismo ni Discaya sa ikalawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre na 2016 nagsimula ang kanilang flood control projects sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Maki-Balita: Discaya kay Sen. Bato kung kailan nagsimula sa flood control projects: '2016 onwards!'
Inusisa siya noon ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kung kailan silang nagsimulang maging contractor ng DPWH.
Ginawang batayan ng senador ang nag-viral na video clip mula sa vlog ni broadcast journalist Julius Babao sa mag-asawang Discaya kung saan sinabi ni Sarah na nagsimula silang "yumaman" nang mag-DPWH na sila.
Kaugnay na Balita: Sarah Discaya, umaabot sa isa hanggang tatlo binibiling luxury car sa isang taon